"How I wish I got the chance to bond with her," hinayang na pahayag ni Sabrina. "I am positive that she's also an amazing woman." "She is, Sab. " Nakangiting nilingon ko ang pwesto niya. Bahagya siyang nakanguso at nakatitig sa litrato ni Mommy. "At sigurado rin akong magugustuhan ka niya." Napalitan ng ngiti ang pagkakanguso niya. She looks pretty with her pastel pink dress. Abala ako sa pagkukulot ng buhok ko habang siya ay tamad na nakaupo sa kama at hinihintay akong matapos. Today, her family invited me for lunch. Dapat kasama sila Ray at Daddy pero parehas na nagkaroon ng lakad ang dalawa. "Sana talaga mas napaaga ng kaunti ang balik ninyo rito." patuloy niya pero hindi na ako sumagot. Matapos ang ilang taon na paninirahan sa ibang bansa ay tuluyan na nga kaming bumalik gaya ng h

