Nasuot ang jacket ko nang hindi ko alam kung paano. Dumaan kami sa may likuran ng club habang hawak pa rin niya ang sa bewang ko. "Mr. Saldevar," tawag ko pero hindi niya ako binigyan ng pansin. Pagkalabas ay may isa pang lalaki ang sumalubong sa kanya. Natutula na lang ako dahil ang pouch ko naman ang binigay ng lalaki sa kanya. Tuloy lang ang hila niya sa akin hanggang sa mamataan ko ang isang itim na kotse. Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto sa harapan at pinasok sa loob. Wait! Is this his car? A new one? This car is sexier than the previous one. Sa pagkakamangha ko sa sasakyan ay hindi ko na napansin ang pagpasok din niya. Ang nakakahumaling na amoy niya ay umiikot sa buong sasakyan. He smells exactly as I remembered, intoxicatingly sexy and expensive. "Your place, Dabria.

