Ngayon ko lang naramdaman na tila may malaking bagay na nawala sa pagkatao ko, pakiramdam ko kulang na ako, pakiramdam ko hindi na ako buo, pakiramdam ko may malaking parte sa puso ko na nawala. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulala at hinihintay ang sarili ko na magising sa masamang panaginip na 'to. Pakiramdam ko nasa loob pa rin ako nang masamang panaginip, at gusto ko ng magising. Gustong gusto ko ng magising upang puntahan si Arken at sumama sa kanya. “Ayen, please, get back to your senses. He's gone, crying won't change anything, it won't bring him back to life.” Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, tiningan ko nang masama si Vaughn. Ngayon ko lang yata naramdaman na gusto ko siyang bulyawan at saktan, alam kong wala siyang kasalanan sa nangyari, pero naiinis ako

