Ayen ~ Napagtanto ko lang yata ang katangahan ko nang sumapit na ang umaga. Napatingin ako sa gwapong mukha ni Arken na natutulog habang nakayakap nang mahigpit sa 'kin. Napabuntong hininga na lang ako at sinubukang alisin ang matipunong braso niya pero agad niya iyong iniyakap ng mas mahigpit sa akin. Paano ba ako makakaalis nito? Gusto ko ng maligo at makapagsuot nang maayos na damit. T-shirt niya ang suot ko ngayon, naiilang ako na maabutan niya akong ganito ang hitsura. Sinubukan kong alisin muli ang pagkakayakap niya sa 'kin ngunit hindi na naman ako nagtagumpay. Napasapo na lang ako sa noo ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Arken na bumababa sa pang-upo ko. Agad kong hinampas ang braso niya, sabi na nga ba at gising talaga ang hinayupak na 'to! “Arken, bitiw

