“Bumalik na tayo sa yate! Bakit natin iiwan ang mga bata ro'n, ha?! Nahihibang ka na ba?!” Alam kong ang lakas ng boses ko at napapatingin sa 'min ang ilang turista, pero naiinis na talaga ako. “They don't want to come with us, we can't force them,” sabi naman ni Arken. Lalong napakunot ang noo ko. “So, hahayaan na lang natin ang mga bata sa yate habang nandito tayo? Gano'n?!” “Relax, Cad is with them. He's trustworthy,” pagpapakalma niya sa 'kin. “Para sa 'yo trustworthy siya, pero para sa 'kin hindi! Bumalik na tayo sa yate, ngayon din!” Sinubukan ko siyang hilahin pero hindi siya nagpatinag. Naiinis na napapadyak naman ako sa sahig at sinuntok ang braso niya, mukhang hindi naman siya nasaktan dahil nakatingin lang siya sa 'kin at hindi nagre-react. “Saang lugar ba 'to?!” naiin

