Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, o kung may dapat ba akong maramdaman. “Vaughn, okay ka lang ba?” Pinuntahan ko si Vaughn sa kwarto niya at kinumusta siya, hindi maganda ang mood niya kagabi, malamang hindi siya nakatulog nang maayos. Sinuot na ni Vaugh ang coat niya bago niya ako nilingon, lumapit siya sa 'kin saka marahang hinaplos ang pisngi ko. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya. “I'm fine, I'm sorry about my sudden outburst last night, something terrible came up,” sabi niya kasabay ng pagdilim ng anyo niya. Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. “Wag kang matakot, alam kong mananalo ka. You did your best, and your the best politician for me,” sabi ko naman saka ngumiti nang matamis sa kanya. “Thank you.” H

