Hininto ni Mika ang big bike sa harap ng isang two-storey building. Mas malaki ito kesa sa inaasahan ng dalaga. The wall looks quite old, a gray brick veneer. Sa ibabaw ng building ay may nakalagay na signboard na yari sa kahoy, Cass Workshop.
Hindi maintindihan ni Mika kung bakit dito naisipang magtayo ng shop ni Cassidy. Malayo ito sa highway. Kailangan mo pang dumaan ng dalawang eskinita at ilang commercial building bago mo ito makita.
Tinanggal ni Mika ang suot na puting helmet at bumaba ng motor. She was just about to open the glass door nang may mapansin siyang SUV na biglang huminto sa harap ng shop, a dark sapphire Bentley Bentayga V8.
Marahang tumaas ang kilay ni Mika. Although Bentley is far less than Mercedez-Benz, but it still cost a fortune. Kung hindi siya nagkamali, nasa mahigit 30 million ang presyo nito rito sa Pilipinas.
Bumaba mula rito ang isang lalaki na nakasuot ng black italian suit at brown leather shoes. Kumunot ng konti ang noo ni Mika. Parang pamilyar sa kanya ang tindig at likod ng lalaki. Parang nakita niya ito noon, hindi niya lang maalala kung saan.
Pagkaharap ng lalaki, nanlaki ang mata ni Mika sa gulat. It was no other than Jason, isa sa mga kasamahan niya sa Jianlong.
''Ela? Anong ginagawa mo rito?'' tanong nito kay Mika nang makita ang dalaga. Naglakad ito palapit sa kanya.
''Visiting a friend,'' tipid na sagot ni Mika. Ang mga mata niya ay seryosong nakatitig sa suot ni Jason.
''You look different.''
Sa tagal nilang magkakilala, ngayon lang nakita ni Mika ang binata na nakasuot ng ganito. Ang pormal nitong tingnan, parang businessman na pupunta sa isang meeting. Ibang-iba sa Sun na lagi niyang nakakasama noon sa underground.
Ngumiti lang si Jason kay Mika na tila naiilang.
''Uh, this...I...''
Bago pa ito makapagsalita, isang babae ang nakita ni Mika na bumaba mula sa kotse. She has a light wavy hair na hanggang balikat. It fits her well with her small round face and blue eyes. From the looks of her face, Mika can tell that she's also around her age, maybe 26 or 27.
''Uh, she's my twin, Janan.'' pakilala rito ni Jason. Ngumiti ang babae kay Mika. Saglit na natulala si Mika. She's already pretty but her sweet smile makes her even more beautiful. Para itong inosenteng anghel na nakatayo sa harapan ng dalaga.
''You're Ela, right? My brother always talks about you.'' Inabot ng babae kanang kamay nito para makipagshakehands. May pag-alinlangan na tinggap ito ng dalaga.
''Nice to meet you.'' Ngumiti si Mika ng pilit. Lalo namang lumawak ang ngiti sa mukha ng babae. Tila ba, masayang-masaya ito na nakilala ang dalaga.
''So, anong ginagawa mo rito? You don't look like, you're here to take a stroll.'' Pag-iiba ni Mika saka bumaling kay Jason.
''Janan, loves violin. Kaya naman naisipan kong magpagawa rito. You know Cassidy? He makes the best violin.'' Kitang-kita ni Mika ang paghanga mula sa mukha ni Jason nang banggitin ang pangalan ni Cassidy. Hindi alam ng dalaga kung ano ang sasabihin kaya tumango na lang siya sa binata bilang pagsang-ayon.
''You're right. Magaling nga siya.''
Pagkatapos nilang mag-usap, napagpasyahan na rin nilang pumasok sa loob. Unang bumungad kay Mika ang ilang violin na nakasabit sa loob ng isang mahabang glass see-through closet. May iba't iba ring klase ng kahoy na nakahanay sa mga wood shelves sa gilid. If Mika was right, it's a maple wood and spruce wood. Minsan rin naglaro si Mika ng violin noon kaya may konting kaalaman siya tungkol dito.
Dinampot ni Mika ang isang piraso ng maple wood. Isang sarcastic na ngiti ang sumilay sa labi niya.
''That guy. Just how much money did he spend on this shop.'' The one maple wood she's holding already cost a lot.
Ang normal na ginagamit na kahoy para sa paggawa ng violin ay nasa limang taon na ang tanda o higit pa. Pero ang maple wood na hawak ni Mika ay nasa higit dalawampung taon na ang tanda which is way more expensive than the normal one. No wonder, ang gaganda ng quality ng mga gawang violin ng lalaking 'yon.
''Ah. Yes. Yes. Mr. Cassidy already knew that you would come today so he especially told us to prepare it.''
Sinundan ni Mika ng tingin ang staff habang kinuha ang violin sa ilalim ng glass shelves. Nakalagay ito sa isang itim na violin case. Humakbang siya palapit rito para tingnan ang order ni Jason nang may marinig siyang bulungan mula sa itaas.
Sa kuryosidad, napagpasyahan ni Mika na umakyat sa itaas. Dalawang babae ang naabutan niyang kinikilig na nagbubulungan habang nakatingin kay Cassidy who's gouging a plate.
''Tama ang sinabi ko sayo, diba? Ang gwapo niya,'' sambit ng isa.
''Pero sigurado ka bang wala pa siyang girlfriend? Paano kung meron na,'' mahinang saad naman ng isa na parang nahihiya.
''Ano ka ba! tatlong beses na akong pumunta rito pero ni-isang beses hindi ko pa siya nakitang may kasamang babae. Sige na, lapitan mo na. Malay mo magkagusto siya sayo.'' Tinulak ng babae ang kasama nito papunta kay Cassidy.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Mika sa hindi maipaliwanag na dahilan.. Tila may sariling isip ang mga paa ng dalaga, diri-diritso itong naglakad papunta kay Cassidy na seryoso pa ring nakayuko. Walang pasabing binangga ni Mika ang dalawang babae sa balikat.
''Oops! Sorry. You're in my way.'' Tiningnan ng mga ito ng masama ang dalaga. Ngumisi lang si Mika at lumapit kay Cassidy. Seryoso lang itong nakayuko kaya kumatok ng tatlong beses ang dalaga sa mesa.
''I said, don't disturb me when I'm working!'' Nagpipigil ng galit na saad ni Cassidy sabay taas ng tingin. Nang makita ng binata ang mukha ng dalaga ay mabilis na naglaho ang galit sa mukha nito at napalitan ng gulat. Hindi makapagsalitang napatitig ito sa dalaga.
''You--anong ginagawa mo rito?''
'' As a girlfriend, do i need a reason to visit my boyfriend?'' may diin na sambit ni Mika. Sinadya ng dalaga na lakasan ang boses para marinig ng dalawang babae. And as she expected, nang lumingon siya sa likod kaagad nagbago ang expression ng mga mukha nito at padabog na naglakad paalis.
Sinundan ni Cassidy ang tingin ng dalaga. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang babae pero 'agad ring napangisi..
''Did you just say, I'm your boyfriend?''
''Huh? No. I mean, yes. But don't get me wrong, I only said it to help you. Ayaw mo ng maingay, diba? I just did you a favor. No need to thank me.''
Hindi alam ni Mika kung bakit parang namumula ang mukha niya. Ang init. Nagba-blush ba siya? Why? She doesn't even like him.
''Are you perhaps...jealous?'' nakangisi pa 'ring tanong ni Cassidy.
''What? Hell no! Why would I.'' Why would she? He's not even her type. Bakit ba kasi nakialam pa siya. Sana hinayaan nalang niya ang dalawang babaeng 'yon.
''Okay. Okay. Calm down. I'm just asking. So why are you here? Miss me?'' Kumunot ang noo ni Mika sa narinig. Bakit parang ibang Cassidy ang nasa harapan niya? Sinapian ba to ni Asher? He sounded like he's flirting with her.
''Can you spare me an hour of your time? I just want to ask you something.''
NAPABUNTONG-hininga si Mika habang nakatingin kay Cassidy na seryosong umiinom ng kape, ice americano. It’s already eleven in the morning, almost 12. Sa halip na um-order ng pagkain, mas pinili nitong uminom ng kape.
‘’Did you invite me here just to stare at my handsome face?’’ She rolled her eyes.
‘’You’re the first man I’ve ever invited to eat with me. And you only choose to drink that coffee?’’ Hindi makapaniwalang sambit ni Mika.
‘’I usually don’t eat lunch. It’s enough for me. Say it. What do you want?’’ Sumubo si Mika ng cake saka binitawan ang kutsara.
‘’Haru said you’re the one who carried me to my room last night.’'panimula niya. Napatigil si Cassidy.
‘’Did…did I say or do anything? Or…’’
‘’No.’’ putol ng binata. Napatitig rito si Mika.
‘’Sigurado ka? I didn’t-’’
‘’No.’’ putol ulit nito at uminom ng kape. Napansin ni Mika ang pamumula ng tenga ng binata.
Is the coffee too hot that it makes his ears red?
‘’Oh. Okay. So did you go the club last night? Akala ko ba, ayaw mong pumunta sa mga lugar na gano’on?’’
‘’Asher. He took you home.’’
‘’Asher?’’
Oo nga pala. Now she remember. Parang nakita nga ni Mika kagabi ang kaibigan ng binata. Hindi nga lang niya maalala kung paano siya nakauwi. That was the second time that she passed out dahil sa pagkalasing. The first one? She was send to ICU.
‘’Is that all you wanted to ask? I still need to--’’
‘’Do you to be my friend?’’ Umani ang mahabang katahimikan. Muntik ng masamid si Cassidy sa ininom niyang kape dahil sa pagkabigla.
‘’F-friend?’’
‘’Yes. Friend.’’ Napaatras si Mika nang hinawakan ni Cassidy ang noo niya. Winakli ito ng dalaga.
‘’You don’t have a fever.’’Inosente nitong saad. Hindi alam ni Mika kung matatawa ba siya o maiiyak. Parang gusto niya itong tadyakan.
‘’ You don’t have to answer. I'll take that as a yes. Don’t worry, it’s just a line. Alis na’ko. May kailangan pa akong puntahan.’’ Tumayo na si Mika at lumabas ng restaurant.
Tulalang sinundan ito ng tingin ni Cassidy. Parang ayaw magsink-in sa utak ng binata ang sinabi ng dalaga. Friend? That dragon?