DAX' P O V " Dito na tayo maghintay hanggang mag- umaga? " usisa ni Dexter kaya napalingon ako sa kan'ya at kinurap- kurap ko naman ang aking mga mata. Tila kasi nag babadya nang malaglag ang aking mga luha. Lumingon din ako sa bahay na masaya nang nanunuood ang mag- anak sa sala ng kanilang tahanan. " Oo, nandirito lang din naman tayo." tugon ko pagkalipas ng ilang minutong pag titig sa payak na tahanan ngunit larawan ng masaya at kuntentong pamilya. " Okay! " tugon n'ya tsaka umayos nang upo, " Saan na tayo bukas maghahanap? " tanong n'ya habang naka tingala sa kisame ng kotse Napa buga naman ako nang hangin, " Try nating hanapin o ipagtanong sa mga makikita natin sa labas. " tugon ko naman at natigilan s'ya tsaka matagal na naka titig lamang sa akin na tila sini sigurado k

