MITCH' P O V " Take a seat. Mae, pakikuha mo sila ng snacks. " aya sa amin ng CEO tsaka inutusan ang kan'yang Secretary. " T- Thank you! " kiming saad ko naman tsaka kami umupo sa sofa na itinuro n'ya sa maliit na living area ng kan'yang private office. Dalawa lamang kasi ang silya sa harapan ng kan'yang office table kaya siguro sa sofa kami itinuro para maka- upo kaming lahat ng group mates ko. " Sige po, Boss! " magalang namang tugon ng kan'yang Secretary at lumabas na ito ng opisina. " Mabuti at dito n'yo naisipang mag- practicum. " magiliw pa n'yang wika, hawak na nito ang folder na ni- pasa ng aming leader sa kan'ya para mapag- aralan ang aming mga credentials. " A- Actually po, lima ang company na balak po naming pag- training- an, dito lang po namin inuna. " kiming saad ko n

