MITCH' P O V
" Wala ba kayong klase ngayon? " masuyong usisa n'ya sa amin ni Josie, kaya nahinto ang pag sub0 ko sana ng pancake na naka tusok sa tinidor na hawak ko.
Nandito na kami sa loob ng eatery na pinag mamalaki ni Josie sa CEO na kasama namin. Hindi naman nga kasi ito nahuhuli sa mga sikat na coffee shop, dahil nga private University ang school namin ay masasarap ang niluluto sa mga eatery at hindi basta- basta canteen. Iyon nga lamang ay mga mamahalin ang tinitinda.
" M- Mayroon po, nag- excuse na lamang po kami at pinatawag nga po kami sa Registrar Office. " magalang ko namang tugon tsaka ko itinuloy ang pag sub0 ng pancake.
Tumango- tango lamang ito. Si Josie naman at busy sa pag- ubos ng kan'yang ni- order na cake at kape. Parehong pancakes ang kinakain namin ni Sir Dax na may kasama rin namang kape.
Hindi naman na s'ya nag- usisa pa kaya sinamantala ko ang pagkakataon para ubusin na agad ang aking kinakain.
" So, Alam ko namang mayroon pa kayong klase, kaya hahayaan ko na kayong pumasok sa next subject n'yo. Ngunit, after your class ay ipapa sundo kita sa Driver ko at pag- uusapan natin ang ating set up. " mahabang explanation n'ya, kaya napalunok naman ako ng sariling laway dahil sa kan'yang binanggit. Mabuti na lamang pala at tapos na kaming kumain, siguro ay hinintay n'ya talagang maubos namin ang ni- order n'ya na s'ya rin naman ang nagbayad. Para hindi kami mawalan ng gana.
" S- Sige po! M- Marami pong salamat nga pala! " kiming saad ko, sa bilis kasi nang pangyayari ay ngayon pa lamang nagsi- sink in sa isipan ko ang ginawa n'ya kanina sa loob ng Registration Office. Ni hindi man lang nga tinanong kung papayag ba ako o hindi. Kaya eto ngayon at pag- uusapan daw namin ang set up, paano kung gawin n'ya akong katulong? O kaya naman ay pag- alagain ako ng anak nitong mga pasaway? Gaya nang nababasa ko sa mga e- book, tulad ng Dreame at Yugto?
" Okay na ba!? Pwede na tayong lumabas? " wika ulit n'ya kaya noon lamang ako nabalik sa kasalukuyan.
" O- Opo! T- Tara na po! " tarantang tugon ko, nahuli kasi n'yang matagal akong naka titig sa kan'ya dahil sa lalim nang iniisip ko.
Nauna na tuloy na tinungo ko ang pinto ng eatery, naramdaman ko namang naka sunod silang dalawa sa akin.
" Ahm! Mitch! " tawag nito sa pangalan ko kaya nahinto ako sa paglalakad at lumingon sa dalawang kasama ko.
" Ipapakilala ko lang sa'yo ang Driver ko na susundo sa'yo mamaya. " saad n'ya at tumango lamang ako tsaka tipid na ngumiti rito.
" Hi! I'm Dexter! " sambit nito sa pangalan n'ya at iaabot sana nito ang kamay para makipag- shake hands sa akin ngunit tinabig ni Sir Dax ang kamay nito nang aabutin ko sana. Tsaka tiningnan n'ya ito ng masama. " Sorry po, Boss! " napapa kamot sa ulong wika ng Driver sabay atras at nagtago sa likod ng amo.
Itinuloy na namin ang paglalakad, marami tuloy tumitingin sa aming ibang mga estudyante ngunit deadma lang sila hanggang makarating sa building ng aming course.
" Thank you po ulit. " kiming saad ko
" Okay! See you later! " seryosong tugon naman nito sabay hila sa Driver palayo sa amin na tila nagpapa- cute pa kay Josie.
" Ang cute n'ya 'no!? " bungisngis nitong turan nang akayin ko s'ya pa akyat sa hagdan para makarating sa floor kung saan ang next naming subject.
Hindi ako kumibo dahil ang mas inalala ko kasi ay ang magiging pag- uusap namin ni Sir Daxton. Nagtila naman ako bilanggo na walang kawala sa naging desisyon n'ya kanina. Kung sabagay, kung hindi naman n'ya binayaran ang tuition fee ko ay matinding problema rin ang iisipin ko.
Ngunit, hindi nga ba problema ang naghihintay sa akin sa kamay ni Sir Daxton? Samantalang kahapon ay todo tanggi s'ya na hindi n'ya ako inaanak. Tapos ngayon ay walang paligoy- ligoy na binayaran n'ya lahat ang utang ko? Iyon nga lamang at may set up nag raw kami.
Nabawasan naman ang alalahanin ko ng hindi naman pala dumating ang Prof namin sa aming first subject. Ilang sandali pa lamang kaming nakaka upo nang walang ingay na pumasok sa silid ang aming Prof para sa Second Subject.
Doon ko na lamang itinuon ang buong atensyon ko dahil malapit na ang aming mid term exam. Ayoko namang mapabayaan ko ang aking pag- aaral kaya nga hindi na ako nag- working student ay ayokong mahati ang atensyon ko. Inaalala ko rin kung papagurin ko pa ang aking sarili sa pagtatrabaho at kung magkasakit ako ay sino ang mag- aalaga sa akin? Kaya hindi na ko nag tangkang mag- working student, kapag bakasyon lamang ako nag- a- apply pero kapag nag- start na ang School Year ay nag- stop na rin ako. Matiwasay namang natapos ang maghapong klase namin ni Josie.
" Makikita ko ulit si Dexter! " mahinang tili n'ya habang naglalakad na kami sa lobby ng aming building, maraming estudyante ang pababa ng hagdan kaya dahan- dahan lamang ang aming hakbang.
" Malamang! S'ya nga raw ang susundo sa akin, 'di ba? " tugon ko naman, kaya bumalik na naman ang alalahanin ko.
Hindi ko rin naman talaga maiwasang mag- alala kahit na ba dati s'yang Amo ng aking Ama at sinasabi nitong mabait daw s'ya kaya nga raw lumapit ako sa kan'ya kapag kinailangan ko. Ngunit, matagal ng panahon iyon. Ilan taon na bang wala ang mga magulang ko? Baka nag- iba na rin ang ugali n'ya? Baka kung anong set up pa ang pagawa nito sa akin, na ikaka pahamak ko?
Ngayon pa tuloy ako nagsising lumapit pa sa kan'ya. Kung naki- usap na lamang sana ako sa aming Cashier na maglilinis ako sa library kahit kapag vacant period ko. Hanggang sa mabayaran ko ang aking utang sa tuition fee, papayag naman siguro sila dahil alam naman nilang ulila na ako. Naging padalos- dalos tuloy ako ng naging desisyon kaya eto ngayon ako, mas lalong nag- aalala para sa set up namin ni Sir Dax.
" Ayan na s'ya! " mahinang tili ni Josie sabay pisil sa aking braso.
" H'wag ka namang magpaka- obvious na kinikilig ka. " bulong ko namang sermon sa kaibigan ko nang makita si Dexter sa ibaba ng building namin. Ilang step na lang kasi ay makakababa na kami sa ground floor at nakita nga naming mat'yaga itong naghihintay sa akin.
" Pwede na po ba tayong umalis? " magalang na tanong nito nang makalapit kami sa kan'yang kinatatayuan.
" Ahm! Saan ba tayo pupunta? P- Pwede bang isama ko ang kaibigan ko habang nag- uusap kami ng Boss mo? " pina- tatag ko lamang ang aking boses para malaman ng aming kaharap na hindi basta- basta n'ya ako maloloko.
" Eh, itatawag ko muna po kay Sir Daxton. " sambit nito na bahagyang lumayo sa amin habang kinukuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon na slacks na may ka- ternong polo, uniform n'ya siguro sa kan'yang trabaho.
Hindi naman kami nainip sa paghihintay at nakabalik agad si Dexter sa aming kinatatayuan.
" Sige raw po, mag- uusap lang naman daw kayo. " wika pa nito at bahagya naman akong nakahinga ng maluwag.
Itinuro na n'ya kung saan naka- park ang kan'yang sasakyan. Kaya nauna na kaming naglakad, pinag bukas pa n'ya kami ng pinto sa likod na upuan bago s'ya sumakay sa harap ng manibela. Maganda ang interior design ng loob, wala naman akong alam sa mga vehicle brand kaya hindi ko alam kung anong car brand itong sinasakyan namin.
" Saan ba tayo pupunta? " usisa ko ng mahaba na ang aming nilalakbay
" Sa condo n'ya, iyang building na 'yan, d'yan s'ya nakatira. " turo n'ya sa establishment na kasunod na ng nasa tapat namin.
Nagka tinginan naman kami ni Josie nang mapag- alaman naming expensive iyon kan'yang condo. Alam naming maraming artista ang dito nakatira, mga sikat sa lipunan at politika.
Inalalayan n'ya ulit kami sa pagbaba ng kotse at hinayaan namin ng kaibigan kong mauna itong maglakad dahil baka mapagalitan kami ng guard kung basta- basta lamang kaming mauuna. Sa parking lot lang kasi ni- park ni Dexter ang kotse minamaneho n'ya. Kaya kailangan pa naming maglakad hanggang sa entrance nito.
Narinig naming sinabi ng Driver na bisita kami kaya kasama n'ya kami at pinapasok na agad kami. Walang nagsasalita sa aming tatlo na tinungo ang elevator. Maraming sakay iyon kaya mas lalo kaming hindi na nakakibo.
Sinenyasan lamang kami ni Dexter no'ng kailangan na naming bumaba. Habang papalapit kami sa condo unit ni Daxton ay lumalakas naman ang kabog ng aking dibdib.
Tila naman ako hihimatayin dahil sa nervous, lalo na no'ng nakapasok na kami sa loob niyon. Humigpit tuloy ang hawakan ko sa kamay ng kaibigan ko, na tila sa kan'ya ako kumukuha ng lakas ng loob. Hindi ko pa kasi alam kung ano ba ang naghihintay sa akin na kapalaran sa gagawin naming pag- uusap ni Sir Daxton.