MITCH' P O V " Careful! Maupo ka na lang kasi, ako na ang kukuha kung ano ang gusto mo? " paalala ni Dax na medyo inis na rin dahil sa kakulitan ko. " Ano ka ba naman!? Kaya ko naman nang maglakad, ginagawa mo naman akong baldado. " pairap ko pang sambit. Kakauwi lamang kasi namin sa condo n'ya at balak kong uminom ng tubig na malamig kaya kukuha sana ako sa ref ngunit, pinigilan n'ya akong tumungo roon. Pagka- gising namin kanina ay magdidilim na kaya naisipan naming bumalik ng Manila. Dahil may pasok na kami pareho kinabukasan sa school at trabaho. Na- spoil man ang huling araw namin sa pamamasyal ay na- sulit naman namin kahapon. Kaya pala halos lahat ay pinuntahan na namin dahil hindi na pala kami makaka balik kinabahan. Ngayon nga iyon dahil nilagnat ako at nahirapan na makalak

