MITCH' P O V Malakas ang kabog ng aking dibdib habang nakahiga sa malapad at malambot na kama ni Sir Dax. Ang lakake kasi ay nasa loob ng banyo at naliligo. Naririnig ko pa nga ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa. Tumalikod na lamang ako sa gawi n'ya at umayos na nang higa. Nag talukbong pa ako ng comforter ng hanggang sa aking leeg, malakas kasi ang buga ng aircon. Kaya nilalamig ako, sanay lamang kasi ako sa electric fan na maingay pa dahil na rin sa katagalan. Mariin naman akong napa- pikit nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo at lumabas roon si Sir Dax. Hunalimuyak kasi ang ginamit nitong sabo at shampoo sa buong silid kaya naman tila nanunuot sa aking ilong ang amoy. Hindi ako gumagalaw at bahagya pa nga akong dumulo nang higa sa kama para hindi s'ya masikipan a

