MITCH' P O V " Mmmmmm! " hikab ko ngunit natigilan din ng maramdaman kong may mabigat na naka dagan sa akin. Hindi kasi ako makakilos kaya naman pilit kong iminulat ang mga mata ko. Nanlalagkit na rin kasi ako, at nakita kong naka yapos sa akin ang braso ni Dax at naka patong ang isang binti sa mga binti ko. Dahan- dahan ko iyong inalis, nakakaramdam na rin kasi ako ng tawag ng kalikasan. Natigilan naman ako nang makita kong wala akong suot na kahit ano mang saplot sa katawan. Maya- maya lamang ay naisip kong may namagitan nga pala sa amin ni Dax pagkatapos kong magpa- alam sa kan'yang aalis na ako rito sa poder n'ya. Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa banyo dahil ihing- ihi na talaga ako kahit naglakad akong naked. After kong magbawas ay nag linis na rin ako ng katawan dahil amoy

