_{PRINCESS's POV}_ "Manang Sylvia, wala pa po ba si Luke?" tanong ko kay Manang Sylvia nang maabutan ko tong naglilinis sa Garden. "Ay, wala pa po, Maam este Princess, pero sabi naman n'ya uuwi s'ya ng maaga," sagot naman ni Manang Sylvia. "Ganun po ba? Eh sina Mom po ba tumawag? Napasarap po kasi ang tulog ko, kaya 'di ko na po namalayan ang oras," sabi ko naman. "Hindi pa rin natawag si Mom Shiela, Princess, pero may ibang tawag kanina, —ano nga bang pangalan nung babae, nalimutan ko na tuloy, pero ang sabi n'ya ay kailangan mo raw s'yang tawagan agad, sa trabaho mo raw yata sa susunod na linggo," sabi naman ni Manang Sylvia, at bigla naman akong bahagyang napahampas sa aking noo ng maalala ko ang aking Fashion Show na dadaluhan sa susunod na linggo sa London, at alam kong si Mhay an

