NAG-ALA NINJA MOVES ang kilos ni Celestine nang tuluyang nakalabas nang silid. Patingkayad siyang naglalakad papuntang hagdanan. Hindi na siya nagdadala nang ano mang gamit maliban sa binigay ni Gobernador Hermedes na cellphone at maliit niyang wallet. Na may laman na 500 ito pa ’yong pera niya na kita sa pagtitinda ng mani nang muntik na silang makatakas ni Ryan. Medyo may kadiliman man ang daan dahil nakapatay lahat ng ilaw sa loob nang mansiyon at ang nagsisilbing tanglaw lamang niya sa daan ang maliit na liwanang mula sa ilaw sa labas. “Celestine, kapag Hindi ka makatakas patay ka talaga!” bulong niya sa kanyang sarili sabay kagat sa kanyang pang-ibabang labi. Daig pa niya ang member nang akyat bahay gang dahil sa kanyang ginawa. Napabuga siya nang hangin dahil sa sobrang lakas ng

