“HELLO MANANG EVIT, can you please Celestine to answer her phone. Kagabi pa ako tumatawag at ngayon naman out of coverage ’yong phone niya," hindi maitago ang inis ng Gobernador dahil kagabi pa siya sobrang naiinis nang biglang nagpakita sa kanya ang dating ex-girl friend nito. Kagabi pa niya tinatawagan ang numero ni Celestine nanatili lamang itong nagri-ring ngunit hindi man lang nag-abala na sagutin siya. Nais sana niyang marinig kahit boses man lang para kahit pa-paano maging kalmado siya ngunit aa kanyang pagiging irritable nang hindi kaagad pagsagot ni Manang Evit sa kanyang katanungan dahil ilang minuto ang nakalipas nang magtanong ang Gobernador ngunit nanatiling tahimik ang kabilang linya. “Manang Evit, do you hear me?" inis na tanong ulit ng Gobernador dahil sa pagiging tahimik

