Additional Chapter Written by yeexizx Divina's POV Ilang linggo na ang lumipas mula nang mawala si Charlie, ang prinsesa namin. Napaiyak na lamang kami nang sinabi ni Rainasus, ang Guardian ni Charlie na wala na siya dahil isinakripisyo niya ang buhay niya para lamang sa'ming mga namatay. Si Coldy naman, hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa klase. Matinding lungkot at galit ang naramdaman niya nang malaman niya na wala na si Charlie. Hindi pa rin siya lumalabas sa k'warto niya, minsan ay iniiwanan na lamang namin siya ng pagkain. Naiintindihan naman naming mga Royalties ang sitwasyon ni Coldy ngayon. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag nawalan ka ng minamahal sa buhay? I loved Coldy so much and it hurts seeing him like that. Mahal niya si Charlie, kaya ano pa

