Chapter 30- Hatred Written by yeexizx Yannie's POV Lumabas ako ng kaharian na malungkot at nagmumugto ang mata. Naglakad-lakad lamang ako at dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin, bahala na kung saan ako mapadpad. Nahagip naman ng mga mata ko si Charlotte na naglalakad-lakad din. "Princess Charlotte!" tawag ko rito at napalingon siya sa gawi ko. Nginitian niya naman ako. "Oh... Ikaw pala 'yan, Yannie. What are you doing here?" aniya habang nakataas ang kilay. Ngumiti ako. "Naglalakad-lakad lang, how about you?" "Nagpapahangin lang, dinadamdam ko 'yung air parang ganu'n." maarte nitong usal, napahalakhak nalang ako. "Your eyes seems namumugto, and you look sad. Why?" nag-aalalang tanong nito. Naalerto naman ako. Oo nga pala, kakaiyak ko lang. Napayuko ak

