Chapter 46- Manila Written by yeexizx Charlie's POV Nagising na lamang ako dahil sa malakas na ingay na naririnig ko sa labas ng k'warto ko. Marahil, nagsasaya ang mga Royalties dahil ang iba ay first time lang makapunta sa mundo ko. "SHOT SHOT SHOT!" Napabalikwas ako ng higa ako sa narinig ko. Medyo nahihilo pa ako pero pilit akong tumayo. Napasapak ako sa noo ko nang mapagtanto kong nag-iinuman sila, halos lumuwal na ang mga mata ko sa gulat dahil sa narinig ko. Agad-agad naman akong nag-bihis ng simpleng fitted skirt, oversized t-shirt, at chunky heels, naglagay na din ako ng manipis na kolorete sa mukha ko. Kaagad naman akong lumabas mula sa k'warto ko, bumungad sa'kin ang mga lasing na Royalties. Ang una kong napansin ay si Coldy na nakahalukipkip lang sa lamesa.

