Chapter 44- Fight Written by yeexizx Charlie's POV Kasalukuyan akong nag-iimpake para sa misyon namin sa mundo ng mga tao. Tiningnan ko ang orasan, alas-syete palang ng umaga. Ang usapan naming pagkikita para pumunta sa mundo ng mga tao ay alas-sais. Napagdesisyunan ko namang maggala-gala muna, bahala na kung saan ako mapadpad ng mga paa ko. Ang Royalties section lamang ang walang klase dahil na rin sa dinami-rami ng mga misyon na ipinapagawa sa'min. Natapos na ako sa aking pag-iimpake. Lumabas na ako mula sa dorm ko, dumiretso ako sa cafeteria sa kadahilanang hindi pa ako nag-aalmusal. Unusual, mayroon ka nanamang mga bubuyog na maririnig. Bulungan dito, bulungan doon. Hindi na matapos-tapos ang mga isyu sa'kin. Napagdesisyunan kong mag-order na lang ng light meals. "

