Pagdating namin sa hospital ay halos tumakbo ako papasok sa loob. Sa di kalayuan, nakita ko ang isa sa mga tauhan ni Raisle may kausap siyang doctor. Nang makita niya akong papalapit sa kaniya ay lumingon siya sa akin. “ S-si Sir Raisle nasaan?”natarantang tanong ko sa kaniya. “ He's in the operating room. Kasalukuyan siyang ino-operahan.” Nanginginig at pinagpawisan ang kamay ko. Diyos ko po sana ay maging okay siya. Sana lumaban siya. Di ko ata kakayanin kung may masamang mangyari sa kaniya. Nakasunod ako sa kaniya papunta sa operating room. Bawat hakbang ko ay bumilis ang t1bok ng puso ko. Nang makarating kami sa tapat ng operating room ay siya rin ang paglabas ng doctor at nurse na nag-asikaso sa kaniya. Agad ko siyang nilapitan upang makibalita sa kalagayan ni Raisle. “ Doc, kumus

