Chapter 03

1521 Words
Lexus' POV: Nang makapasok ako sa silid namin ay agad hinanap ng mata ko si Allisa. Napangiti naman ako ng makita kong nakaupo siya sa second to the last row habang nagbabasa ng libro. Napalabi ako para itago ang namumuong ngiti sa mga labi ko. Ayoko ipakita na masaya ako dahil lang sa nakita ko siya. Alam kong hindi siya matutuwa kapag nagkataon. Nagtitilian ang mga babae habang papalapit ako sa likod ng pwesto ni Allisa. Kahit nakakabingi na ang mga tili ng mga babae sa silid ay ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Allisa. Napailing na lang ako ng makaupo ako sa likod niya. Kakaiba talaga siya sa mga babae dito sa campus. Gaya ng sabi niya ay pag-aaral ang ipinunta niya dito at hindi para maghanap ng gwapo. Kahit kating-kati ako na kausapin at lapitan siya ay pinipigilan ko pa rin ang sarili ko dahil ayoko magalit siya sa akin. Baka mamaya bigla na lang siyang lumayo sa akin. Habang nagkaklase ang guro namin sa harapan ay nakatingin lang ako sa likod ni Ally. Ang maikli at medyo kulot nitong buhok. Napangiti na lang ako. Dati ang pinunta ko lang sa eskwelahan na 'to ay mag-aral. Walang planong umibig pero ng dumating si Allisa sa buhay ko ay nagbago ang pananaw ko na 'yun. Naging inspiration ko siya para mas mag-aral pa ng maigi. Gusto ko kapag nakapagtapos na kami ay aayain ko siyang magpakasal kahit hindi pa niya ako sinasagot. Sa akin lang siya. Ayoko ng may umaaligid sa kanya na ibang lalaki. Mabuti na lang at hindi ako nakakaramdam ng selos. Lapitin siya ng mga lalaki pero siya na mismo ang umiiwas. Kaya wala akong dapat ikaselos. Mahal ko ang babaeng ito. Alam niya 'yun dahil makalipas ang anim na buwan naming pagkakaibigan ay umamin ako sa kanya. * NAKAUPO ako sa sofa at nag-aaral. Kasama ko si Ally dito sa kubo. Nakaupo siya sa harap ko at nag-aaral din. Nakasanayan na namin ang ganito. Ang sabay mag-aral. Total, magka-klase naman kami sa lahat ng subject ay hindi kami nahihirapan kapag may mga hindi kami naiintindihan. Tinuturuan ko siya at tinuturuan naman niya ako. Nakasandal ako sa sofa habang nakapandekwatrong upo. Hawak ko ang libro at nagbabasa. Napasilip naman ako kay Ally na seryosong nagsusulat. Napako ang tingin ko sa maamo niyang mukha. Parang slow motion ang mga nakikita ko. Nagsusulat siya sa mesa, kalaunan ay inilagay niya sa likod ng kanyang tenga ang mga takas niyang buhok na humaharang sa maganda niyang mukha. Napalunok tuloy ako. Napapikit at bumuntong-hininga. Siguro naman sapat na ang anim na buwan na pagkakilala namin. Alam na namin ang mga bagay-bagay tungkol sa amin. Huminga ulit ako ng malalim para makakuha ng lakas ng loob. Napatitig ako sa kanya. Mahal ko talaga siya. Matagal na pero hindi lang ako umaamin sa kanya dahil nga sa bago pa lang kami nagkakilala noon. Baka sabihin niya na biro lang ang sinasabi ko dahil kakikilala lang namin. Alam ko na mabilis pero anong magagawa ko kung kusang mabilis na tumibok ang puso ko ng una ko pa lang siyang makita. "Ally?" tawag ko sa kanya. "Hmm?" sagot niya habang hindi ako tinatapunan ng tingin. Patuloy pa rin siya sa pagsusulat. "Ally?" tawag ko ulit sa kanya. Gusto ko kasi na kapag sinabi ko sa kanya ang mga sasabihin ko ay nakatingin siya sa akin. Para naman malaman niya na seryoso talaga ako. "Bakit nga?" tanong niya na hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. Napanguso na lang ako. "May sasabihin kasi ako." "Ano ba 'yun?" "Tumingin ka kasi!" may bahid na ng inis kong sabi. Napaangat naman siya ng tingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang siya bago umupo ng maayos at tiningnan ako. "Ano ba kasi 'yun?" "Hmm 'di ba wala ka pang-boyfriend?" Napatingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. Bakit? Kahit na alam ko na wala pa siyang boyfriend ay gusto ko pa rin marinig na sabihin niya 'yon. Ewan ko ba. Masaya ako kapag sinasabi niya sa akin na wala pa siyang naging boyfriend ever since. Ibig sabihin kasi no'n ay wala akong kaagaw sa kanya. "Akala ko kung anong importanteng pag-uusapan natin. Yun lang pala." "Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko." pagmamaktol ko sa kanya. Napailing siya sa inakto ko. "Parang bata. Wala nga. Ilang beses mo na ba 'yan natanong?" hindi ko pinansin ang tanong niya at napangiti na lang. Alam ko naman paulit-ulit na ako pero gusto ko lang palagi na marinig 'yun. "Hmm, Ally." Napakunot-noo ito. "Matagal-tagal naman tayo magkakilala. May mga alam na tayo tungkol sa isa't-isa." mas kumunot ang noo nito dahil sa mga pinagsasabi ko. "Anong drama 'yan, X?" X. Yan ang codename niya sa akin. Yan din ang pangalan ko na nakalagay sa phone niya. Para daw hindi halata. "Hindi ito drama, okay? Alam kong corny at may pagka-possessive akong tao. Gusto ko wala akong kaagaw. Baka kasi maunahan ako. Pwede ba kitang ligawan?" mabilis kong tanong. Bumilis ang t***k ng puso ko ng titig na titig siya sa akin. Sana pumayag siya. Sana. Dahil kung nagkataon ay siya ang una kong liligawan at kapag sinuwerte ako ay siya ang una kong magiging girlfriend at sisiguraduhin kong siya na din ang panghuli. Matagal siya bago sumagot. Nagpakawala pa siya ng isang malalim na hininga pagkatapos ay tinitigan ako sa mata. "Mahal mo ako?" mahinahon niyang tanong. "Oo." kaagad kong sagot. "Pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo." nalungkot ako ng diretso niyang sabihin iyon. Para akong tinusok-tusok ng libo-libong karayom sa puso ko. Ibig sabihin hindi niya ako gusto at kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. "Wala akong oras sa mga ganyan, X. Dahil ang gusto ko lang ay mag-aral at makapagtapos. Kaya kalimutan mo na 'yang nararamdaman mo para sa akin." mas naging malungkot ako sa sinabi niya. Kung makapagsabi siya na kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya ay parang gano'n lang kadaling gawin. Ang hirap kaya no'n. Nahulog ako sa kanya na alam ko namang walang kasiguraduhan na sasaluhin niya ako. "Wala ba talaga akong pag-asa? Kahit kaunti?" nakayuko kong tanong. Ayoko tumingin sa kanya. Mas nanlalambot ako kapag sinasalubong ko ang mga mata niya na kapag nakikipag-usap ay diretso akong tinitingnan sa mga mata. Wala kang makikitang kasinungalingan sa kanya dahil diretso kung makatingin ito sa mga mata mo. "Pasensya na." Bakit gano'n? Mas masakit marinig ang sagot na pasensya kaysa sa wala. Huminga na lang ako ng malalim. "Sige. Hindi na ako manliligaw sa'yo. Pero pwede ka bang mangako sa akin?" Kahit nakikita kong nag-aalinlangan siya ay tumango pa rin sya. "Ano ba 'yun?" "Hindi ka pwedeng magka-boyfriend o magkagusto sa iba hangga't hindi pa tayo nakaka-graduate." "Yun lang ba?" "Oo." tangong sagot ko sa kanya. At least kahit hindi ako manligaw sa kanya ay alam ko na wala pa rin akong magiging kaagaw at hindi siya maaagaw sa akin. May panghahawakan pa rin ako. "Okay." walang pagdadalawang-isip na sagot niya. Napangiti naman ako at inilahad ang pinky finger ko na nakapagpakunot-noo sa kanya. "Promise?" "Para ka namang bata niyan, X." "Kahit na. Sige na. Please." Pagpapa-cute ko pa sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya. Mas napangiti ako ng inilahad na din niya sa akin ang pinky finger niya at nakipag-pinky swear sa akin. "Pangako. Hindi ako magkaka-boyfriend at magkakagusto sa ibang lalaki hangga't hindi tayo nakakapagtapos." sabi niya habang magkahawak ang pinky finger namin. Napangiti ako. "Ako din. Pangako ko hindi ako magkakagusto sa iba, maliban sa'yo." Napatigil naman siya. "X." "I know. Just let me love you, Ally. Please." Tinitigan niya ako ng mabuti. Ayan na naman ang mga mata niya na nakakapagpabilis ng t***k ng puso ko. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay." * LIMANG buwan na ang nakakalipas ng sumubok akong manligaw sa kanya at walang pagdadalawang-isip naman na b-in-usted ako. Pero kahit gano'n ay hindi na ako gano'n nalulungkot. Kahit hindi naman kami ay alam ko na wala siyang magugustohang ibang lalaki. Kaibigan ko pa din siya at nakakasama pa. Masaya na ako don. Natapos ang klase at nagsimula ng magsialisan ang mga kaklase namin. Inayos ko na ang gamit ko at nang tiningnan ko ang nasa harap ko ay wala na siya do'n. Napanguso na lang ako. Ni hindi man lang ako hinintay. Sabagay kailan ba niya ako hinintay? Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos. Tumayo na ako at naglakad palabas ng room. Saan ba ako kakain nito? Break time na kasi namin. Tapos may 30 minutes pa akong bakante para sa susunod na klase. Naglalakad na ako sa hallway papuntang cafeteria ng mag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko 'yun at binasa ang message. Napangiti naman ako sa nabasa ko at naglakad sa kabilang pasilyo. Nagmamadali akong maglakad para makarating agad ako sa kubo. * From: L ♥ Hintayin kita dito sa kubo. Sabay na tayong mag-merienda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD