HUMINGA ng malalim si Lexus saka marahan na binitawan ang hininga. Malumay ang mga mata na tinitigan nya ang dalaga na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kama. "Okay na sya ngayon. No need to worry." Sabi ng doctor pagkatapos tingnan ang dalaga. "Pero bakit sumakit bigla ang ulo nya doc?" Tanong ni Shawn. Huminga ng malalim ang doctor. "Headache are symptom that her memory are getting back together." Biglang natuwa ang puso nya sa narinig. Her memory are getting back. Maaalala na sya ng dalaga. Maaalala na nito kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Hindi na sya makapaghintay na bumalik ang buo nitong alaala. "Pero bakit ngayon lang doc? I mean, after all this years, eight years, bakit ngayon lang bumabalik ang alaala nya? Bakit hindi nong mga nakaraan?" Nalilitong tanong ni Shawn.

