Chapter 10

1321 Words
Dalawang araw na akong hindi pumapasok at dalawang araw na din akong nagmumokmok sa kwarto ko. Nakakahiya mang aminin ngunit dalawang gabi na akong umiiyak dahil sa nangyari noong nakaraan. Noong huli naming pag-uusap ni Allisa. Mas nalulungkot ako dahil hindi man lang nya ako tinawagan para kamustahin. Dapat talaga hindi na ako umasa pero hindi ko naman maiwasan eh. Kahit walang aasahan ay umaasa parin ako. Talaga bang totohanin nya ang sinabi nya na iiwasan nya ako? May isang butil ng luha namang tumulo mula sa mata ko. Nakakabakla na 'to. Pero anong magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon. May kumatok sa pintoan pero hindi ako sumagot. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang kumilos. Lahat. Wala akong gana. Parang wala na din akong ganang mabuhay. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit kapag nasaktan dahil nagmahal ka. Ito na siguro ang kapalit ng mga masasayang araw na kasama ko sya. Isa't kalahating taong pagsasama namin. Sinayang lang nya at tinapon na parang basura. Ganon lang ba ako sa kanya? Basura na madaling itapon. Basura lang ba ang tingin nya sa pinagsamahan namin. Napatakip ako sa mga mata ko gamit ang kanang braso ko dahil sa ilaw na mula sa pintoan. Tanghali na pero hindi ko parin binubuksan ang kurtina sa veranda o mas tamang sabihin na dalawang araw na akong hindi nasisinagan ng araw. " Babe. " Biglang namoo ang inis sa dibdib ko ng marinig ko ang malambing boses nya. Nagtalukbong nalang ako ng kumot para hindi ko makita ang nakakairita nyang mukha. Narinig ko kung paano nya hinawi ang kurtina ng veranda. Narinig ko pa ang takong ng sandal nya na papalapit sa akin. Hinawi nya ang kumot kaya tinakpan ko nalang ang mga mata ko gamit ang braso ko dahil nasisilaw ako. Para tuloy akong bampira. " Ano bang problema mo Lexus? " Ikaw! Gusto kong sabihin sa kanya na sya ang problema ko. Dahil sa kanya kaya ako iniiwasan ni Allisa. Nang dahil sa kanya ay nag-away kami at nang dahil sa kanya kaya ako nasasaktan ngayon. Kahit gusto kong sabihin sa kanya 'yon ay parang wala akong lakas. Paano ba naman ako magkakalakas kung hindi ako kumakain. Pinipigilan ko rin na magalit sa kanya dahil baka makalimutan kong babae sya. " Umalis ka nalang. " Malumay kong ani at kinuha ulit ang kumot. Inis akong bumaling sa kanya ng kinuha nya ulit ang kumot. " Bumango ka nga dyan! Ayos-ayosin mo nga 'yang sarili mo. Look at yourself. You look like a mess! " Napapikit ako ng sigawan nya ako. Kapag hindi pa 'to tumigil baka hindi ako makapagpigil sa babaeng 'to. " Umalis ka nalang pwede? Hindi kita kailangan at sino ka ba sa buhay ko para diktahan ako? " " Sino ako? Sino ako!? " Galit nyang sigaw habang tinuturo ang sarili nya. Kita ko ang sakit at umaapoy na galit sa mga mata nya. " Fiancee mo ako Lexus for pity sake! Soon, magiging asawa mo na ako. " Napangisi ako sa sinabi nya. Magiging asawa? Ni hindi ko nga sya gusto eh. " Sino naman nagsabi sayo na magpapakasal ako sayo? " " Sa ayaw o sa gusto mo magpapakasal ka sa akin! " " Hindi nga kita gusto! " Sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya. Tumayo ako sa kama at hinarap sya. Napaatras naman sya. Nakikita ko sa mga mata nya ang takot. Marahas ko syang hinawakan sa magkabila nyang balikat. " A-Aray Lexus. Nasasaktan ako. " " Talagang masasaktan ka kapag hindi mo ako tinigilan. " " L-Lexus, ano bang nangyayari sayo? " " Gusto mong malaman kong anong nangyayari sa akin? " Tanong ko sa kanya na may mapanganib na tono. Kita ko kung paano nagsibagsakan ang mga luha nya dahil sa takot. " Ikaw! Ikaw ang problema ko. " Nagulat naman sya sa sinabi ko. " Dahil sayo kaya iniiwasan ako ngayon ni Allisa. Nang babaeng mahal ko. Nang dahil sayo nag-away kami! Ngayon, kapag hindi ka pa umalis baka hindi ako makapagpigil at makalimutan kong babae ka. " Pagkatapos kong sabihin ang mga 'yon ay agad syang tumakbo palabas ng kwarto ko. Napaupo at napasapo nalang ako sa noo ko. Sa sobrang inis ko ay napasabunot nalang ako sa buhok ko. " Arrrggh! " Tinapon ko ang vase na nasa side table ko. I hate this life! Imbis na ang mga magulang ko ang dumamay sa akin sa mga ganitong oras ay hindi ko maasahan. Bagkus sila pa ang dahilan ng mga problema ko. *** Dumaan ang ilang araw at lunes na. Napagdesisyonan ko na pumasok dahil ilang araw din akong hindi pumasok. Baka tuluyan na akong bumagsak. Sa ngayon iisipin ko na muna ang pag-aaral ko para makapagtapos agad at makaalis na sa impyernong bahay na 'to. Kating-kati na akong umalis dito. Lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang kusina para makapag-almusal. Sa kamalas-malasan ay nandon din ang mga magulang ko na kumakain. Hindi na sana ako kakain pero tinawag ako ng magaling kong ama. " Kumain ka na Lexus. " Palihim akong napa-tsk bago umupo. Tahimik lang akong kumain. Kahit tingin ay hindi ko sila tinapunan. Malapit na akong matapos ng magsalita ang aking ina. " Hindi na tuloy ang engagement nyo ni Mich dahil umatras na sya. " Hindi ako nagsalita at tinapos na ang pagkain. Tumayo na ako at umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Habang nagda-drive ako papunta ng paaralan ay hindi ko maiwasang matuwa sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi ni mommy kanina. 'Yon na siguro ang pinakamagandang sinabi nya sa akin buong buhay ko. Kahit natutuwa ako ay hindi ko parin magawa ang ngumiti. Paano ako makakangiti kong umiiyak naman ang puso ko dahil sa sinapit nito. Napahinga nalang ako ng malalim ng makarating na ako sa parking lot. Hindi parin ako bumababa at napahawak ng mahigpit sa manibela. Nag-iisip. Paano kapag nagsalubong kami sa hallway o kaya kapag nagkita kami. Anong gagawin ko? Nabatukan ko ang sarili ko ng ma-realize ko na hindi imposibleng magkita nga kami dahil magkaklase lang naman kami sa lahat ng subject. " Arrggh! " Napasabunot ako sa buhok ko. Nakaka-frustrated naman ang ganito. Napabuga ulit ako ng hangin at huminga. Kalma lang Lexus. Kaya mo 'yan. Ang kailangan mo lang gawin ay iwasan sya dahil 'yon ang gusto nya. Respetohin mo ang gusto nya. Kahit na... Napayuko ako. Kahit na nasasaktan ka. Napatingin ako sa harap at huminga ng malalim. Makakaya mo 'to. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas. Mas dumami ang bumati sa akin ng makapasok ako. Marami ding nagtatanong kung bakit ilang araw akong hindi pumasok pero ni isa sa kanila ay wala akong pinansin. Nagdire-diretso lang ako papunta sa silid ko. Napahinto ako ng nasa tapat na ako ng pintoan. Parang... Parang hindi ko pa kaya. Walang pagdadalawang isip na bumalik ako sa dinaanan ko kanina. Parang hindi ko pa kayang pumasok. Naglakad nalang ako papunta sa kubo. Nang makarating ako ay pabagsak akong dumapa sa sofa. Di inalintana na nasa sahig ang bitbit kong bag. Bakit parang inaantok ako? Sa ilang araw na nasa kwarto lang ako ay kumain minsan at matulog lang naman ang ginawa ko. Pero bakit parang pagod na pagod ang katawan ko? Napasimangot nalang ako. Hindi na naman ako pumasok. Babagsak talaga ako nito. Babawi nalang ako, kung kinakailangan kong mag-take ng special test at mga project ay gagawin ko para makapasa lang. Sa ngayon gusto ko munang matulog. Gusto ko na munang ipahinga ang utak ko sa kakaisip. Kasi parang sasabog na ito sa dami ng iniisip. Hindi na ako nag-abala pang ayosin ang pagkakahiga ko. Okay na sa akin ang nakadapa basta ang gusto ko lang ay matulog at magpahinga. Ipinikit ko na ang mga mata ko at sa isang iglap ay nakalimutan ko na ang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD