" Welcome home young master. "
Tinanguan ko nalang ang isa sa mga maid namin at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay. Nang makadaan ako sa sala ay napahinto ako ng tawagin ako ng ina ko.
Napabuntong hininga muna ako bago sila nilapitan. Naabotan ko silang may ginagawa. Business na naman. Binati ko sila at hinalikan sa pisngi si mama.
" How's school son? "
" Okay lang po. "
Walang ganang sagot ko sa tanong ni papa. Hindi din naman nila ako tinatapunan ng tingin eh. Busy sila sa mga papeles na nasa harap nila.
" Magbihis ka na Lexus at may dinner tayo sa labas kasama ang pamilya ni Mr. Alcantara. "
" Ayoko po. "
At walang pasabi-sabi na umalis at tumungo sa kwarto ko. Ilang beses nya akong tinawag na halos pumutok na ang mga ugat nya sa leeg kakatawag sa akin pero hindi ako lumingon.
Alam ko naman kung para saan ang dinner na 'yon eh. Irereto na naman nila ako sa anak ng mga business partner nila. Hindi na nagtanda.
Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa kanila na ayaw ko nga. Ang kulit din nila eh. Nagbihis nalang ako at humiga sa kama. Kung si Allisa ba naman ang papakasalan ko, ako mismo ang magmamadali.
* tok tok *
" Lexus? "
Tumayo na ako at binuksan ang pinto.
" Bakit yaya? "
Sya si yaya Cecil. Halos sya na ang nagpalaki sa akin. Bata palang ako ng mag-apply sya bilang katulong. Mas tinuturing ko pa nga syang nanay kaysa sa totoo kong nanay.
" Itatanong ko lang nak kung kakain ka na ba? "
" Wala na ba sila dyan ya? "
Umiling naman sya na nakapagbigay sa akin ng ginhawa. Nginitian ko nalang sya.
" Hindi na ya. Aalis din ako. "
" Oh sige nak. Magpapahinga na ako. "
Tumango na ako at sinara ang pinto. Buti nalang hindi na nila ako pinilit. Ganon pa naman sila. Kinuha ko ang ang pitaka, cellphone at susi ng kotse ko.
Lumabas na ako ng bahay at tinungo ang kotse ko. Bumusina ako ng ikalawang beses para pagbuksan ako ng gate. Agad kong pinaharurot ang sasakyan paalis sa bahay na 'yon.
Nag-park ako at pumasok sa isang coffee shop. Marami-rami ding mga customer ngayon. Madaming mga taga-call center na kumakain dito. 'Yong iba ay mga nag-o-over time sa trabaho.
Malapit kasi ito sa mga company kaya malakas ang coffee shop na 'to. Naghanap ako ng bakanteng table, at nang makahanap ako ay agad ko 'yong tinungo.
Di din nagtagal ay may lumapit sa akin na isang waitress na naka-uniform na pang-maid. Para tuloy silang mga coast play sa uniform nila.
" Ano po sa inyo - - Anong ginagawa mo dito? "
Natawa nalang ako sa reaction nya. Halata kasing gulat na gulat ang mukha nya. Unti-unti naman itong namula. Ang cute nya talaga.
" Ganyan ka ba sa mga costumer nyo? O sa akin lang? "
Tanong ko na may himig pagtatampo. Tiningnan nya muna ako ng masama bago bumuntong hininga. Gawain din nya 'yan, humihinga sya ng malalim para hindi mainis. Ang kulit ko din kasi. Sa kanya lang naman.
" Anong order mo sir? "
Ngumiti nalang ako. Hihi hindi nya talaga ako matiis.
" Isang cappuccino at chocolate cake. "
" Okay. Right away sir. "
Bahagya naman syang yumuko at umalis. Napatiim bagang ako ng makita ko na ang ikli pala ng uniporme nya. Sarap dumukot ng mga mata ngayon.
Kasi naman habang dumadaan sa kanila si Allisa ay kung makatingin para na syang hinuhubaran. Mabuti nalang at naka-cycling sya kaya hindi sya nakikitaan.
Kung hindi. Ay nako! Makakakita talaga ako ng gulo ngayon. Napatingin naman sa akin ang isa sa mga nakatingin sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin and mouthed him...
'She's my girl. Back off asshole!'
Mukhang natakot naman ang lalaki kaya yumuko nalang ito at nagkunwaring may ginagawa. Ganyan nga, kung ayaw mong manghiram ng bungo sa bangkay.
" Hoy! Para kang papatay dyan sa mga titig mo ah. "
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harapan ko na pala sya at ang in-order ko.
" Eh kasi naman kung makatutok sila sayo. Sarap dukutin ng mga mata. "
Nanggigil kong ani habang nakatingin sa mga lalaking nakatingin ngayon sa kausap ko. Agad naman silang napaiwas ng tingin ng binigyan ko sila ng nakakamatay na tingin. Akala nyo ha!
" Pagkatapos mong kumain, umuwi ka na agad para hindi ka na magalit dyan. "
Napanguso naman ako sa sinabi nya. Tingnan nyo, hindi nya talaga ako mahal. Pinapauwi na nya agad ako. Umalis na sya sa harapan ko at nagtrabaho na ulit.
Kinain ko nalang ang cake habang tinitignan ang bawat kilos nya. Um-order ulit ako ng kape dahil pinapauwi na nya ako. Kahit gusto ko pang mag-stay ay pinagtutulakan nya pa rin ako.
Dahil sa ayaw kong magalit sya ay lumabas nalang ako. Pumasok na ako sa kotse ko at doon naghintay. Ayoko pa umuwi kaya hihintayin ko nalang na makauwi sya.
Lumipas ang oras ay nagsara na din sila at isa-isa ng nagsilabasan ang mga empleyado. Agad akong bumaba ng nakita ko syang naglalakad na. Tinawag ko naman sya kaya napalingon sya sa akin na gulat na gulat.
" Akala ko umuwi ka na. "
Sabi nya ng makalapit ako sa kanya. Napakamot naman ako sa batok ko.
" Hinintay kita eh. "
" Haist! Tigas talaga ng ulo mo. "
" Uuwi ka na ba? "
" Hmm. "
Tangong sagot nya. Napangiti naman ako at agad na hinawakan ang kamay nya at hinila sya papunta sa kotse. Pinagbuksan ko na sya ng pinto at pumasok na.
" X, di ba usapan natin... "
" Alam ko. Pero gabi na naman. Wala namang makakita sa atin di ba? "
Napabuntong hininga naman sya. Ganyan sya kapag pinipigilan ang inis o kaya ay wala na syang magagawa. Pinaandar ko na ang sasakyan at hinatid sya. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay nya.
" Baba na ako. "
Hindi ako umimik. Napatingin ako sa kanya ng hindi pa sya bumababa. Nakatingin lang sya sa akin na para bang naghihintay ng sasabihin ko.
" Sige. "
Napabuntong hininga naman sya at mas tumingin pa sa akin. Nagtaka naman ako.
" Galit ka ba sa akin? "
Umiling naman ako. Hindi naman kasi talaga ako galit sa kanya eh. Bakit naman ako magagalit?
" Nagtatampo? "
Nagkibit balikat naman ako.
" Siguro. "
" Haist! Sorry na. Okay? Sorry na kung pinaalis kita kanina sa coffee shop. "
" Hindi naman dahil don eh. "
" Eh ano? "
Takang tanong nya. Nakita kong napalunok sya ng tinitigan ko sya sa mga mata nya. Nakita ko din ang pagkailang nya kaya napaiwas sya ng tingin.
" Iniisip ko lang kung kailan kaya tayo makakalabas? "
Napatingin naman sya agad sa akin. Nandyan na naman ang mga tingin nya na nagpapaalala.
" X, alam mo naman na... "
" Alam ko. "
Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit. Ayoko na pag-isipin pa sya. Ayoko na mag-alala pa sya dahil lang sa sinabi ko. Ayoko na dagdagan ang pagod nya.
" Sige na. Magpahinga ka na. Alam ko pagod ka na. "
Tinanggal na nya ang seatbelt. Akala ko ay baba na sya pero hindi pala. Nagulat ako sa sumunod na ginawa nya. Hinila nya ang kwelyo ko at niyakap ako.
Kahit gulat na gulat ay agad ko syang niyakap pabalik. Minsan lang nya kasi akong yakapin kaya sasagarin ko na.
" I-text mo ako kapag nakauwi ka na ha? Mag-iingat ka sa pagda-drive. "
Tumango naman ako. Lumayo na sya at nginitian ko naman sya. Nawala na bigla ang lungkot at tampo ko kanina dahil sa yakap nya. Ganon kalakas ang epekto nya sa akin. Baba na sana sya pero napatigil din ng hawakan ko ang kamay nya. Napatingin naman sya sa akin ng nagtataka.
" Bakit? "
Hinila ko sya at hinalikan sa noo. Naramdaman ko na napa-stiff sya. Ilang segundo bago ko sya pinakawalan.
" Goodnight. "
Napakurap-kurap naman sya. Mahina akong natawa ng makita ko ang mapula nyang mukha.
" G-goodnight. "
Agad din syang lumabas sa kotse at pumasok sa bahay nila. Ni hindi man lang ako nilingon. Okay lang. Masaya naman ako eh.