Chapter 12

1492 Words
Tahimik kaming kumakain ng sabay ni Allisa ngayon. Nang matapos ang aminan kanina ay napagdesisyonan na namin na kumain dahil talagang sumigaw na ang tyan ko na gutom na sya at hindi na nya kaya. Tsk! Panira ng moment ang tyan ko. " So... " Napatingin ako kay Allisa na kumakain parin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit. " Tayo na ba? " Napatigil sya sa pagkain at napaangat ng tingin sa akin. Kinakabahan ako sa magiging sagot nya. Kahit na kanina lang ay sinabi nya na mahal nya ako. Hindi naman siguro masama kung tanongin ko sya kung kami na ba dahil matagal ko naman din syang mahal. Matagal na din akong nanliligaw sa kanya. Isang ligaw tingin. Pero kahit ganon ay sinisigurado ko naman na mararamdaman nya. Inilapag nya ang hawak nyang kutsara't tinidor at tumingin sa akin. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Damn! Ganon parin kalakas ang epekto ng mga mata nya sa akin kahit na ilang araw na kaming hindi nagkikita. Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita. " Paano si Mich? Ang fiancee mo? " Tumango-tango ako. 'Yon ba ang pumipigil sa kanya para mahalin ako? Pwes! Hindi ako papayag na may pumigil sa kanya. " Wala naman kami eh. At isa pa hindi ko sya mahal. Ikaw ang mahal ko L. " " Alam ko. " Ngumiti ako dahil sa mabilis nyang sagot. Talagang alam nya dahil talagang pinaparamdam ko sa kanya 'yon. " Pero sya ang gusto ng mga magulang mo para sayo. " Napabuga ako ng hangin. Kahit sino pa ang ireto nila sa akin. Kung hindi din naman si Allisa ay hindi ako magpapakasal. " Wala akong pakialam. Ikaw ang mahal ko. 'Wag ka ng mag-alala. Umatras na sya sa pakikipagkasunduan sa mga magulang ko. " " T-Talaga? " Napangiti ako sa kanya ng malapad. " Oo. " Agad akong nag-panic at lumapit sa kanya ng may nahulong na mga butil ng mga luha sa mga mata nya. Tinuyo ko ang mga luha nya gamit ang mga labi ko. " Shhh... 'Wag kang umiyak, please. Nasasaktan ako. " Ngumiti naman sya at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakahawak sa mukha nya at hinalikan ito. Napangiti ako sa ginawa nya. Parang gusto ko din umiyak gaya nya dahil sa tuwa na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko aakalain na aabot ang araw na ito. Ang araw kung saan aaminin din sa akin ng babaeng mahal ko na mahal din nya ako. " Masaya lang ako. Akala ko kasi mawawala ka na sa akin. Natakot ako na baka katulad ng mga magulang ko ay iwan mo din ako. " Niyakap ko sya ng tuluyan na syang humikbi. Hinaplos ko ang likod nya para patahanin sya. Pakiramdam ko ay parang nag-aawitan ang mga anghel sa langit dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya. Sapat na sa akin na malaman kong mahal nya ako at natatakot syang mawala ako. " Natatakot ako na baka huli na ako. Nagsisisi ako na itinulak kita palayo. Nang hindi ka pumasok, naisip ko na baka magkasama na kayo at naghahanda na para sa kasal nyo. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit kita pinakawalan. Dapat ipinaglaban kita. Dapat hindi ko hinayaan na makuha ka ng iba. Pero naging mahina at duwag ako. Alam ko naman na mahal na kita pero palagi ko nalang 'yon isinasawalang bahala. " Kumalas sya sa pagkakayakap at tumingin ng diretso sa mga mata ko. " I'm sorry X. I'm sorry. Mahal na mahal kita. " Hindi ko na napigilan ang sarili ko at buong puso at pagmamahal ko syang hinalikan sa malalambot nyang mga labi. Hindi ako gumalaw. Nakadikit lang ang mga labi namin sa isa't-isa. Ito ang unang beses na nagdampi ang mga labi namin. And damn! It felt so good that my lips on her. " Shhh... Okay na 'yon. Kalimutan ba natin 'yon. Magsimula ulit tayo. Mahal na mahal kita L. " Hinalikan ko sya sa noo kaya ngumiti na sya. Pinagpatuloy na namin ang pagkain ng may ngiti sa mga labi. Tinulungan ko na din sya paghuhugas. Tumambay kami sa sala at nanood ng TV. Nakaakbay ako sa kanya samantalang sya naman ay nakahilig ang ulo sa balikat ko. Gabi na pero hindi namin pinansin 'yon. Masyado naming na-miss ang isa't-isa kaya sinusulit namin. " Wala ka bang pasok ngayon? " Tanong ko ng maalala kong may trabaho pala sya. " Meron. Pero hindi muna ako papasok. Masyado kitang na-miss eh. " Niyakap nya ako patagilid. Napangiti nalang ako sa sinabi nya. " Hindi ko alam na may pagka-clingy ka pala. " Pagbibiro ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla syang kumalas mula sa pagkakayakap mula sa akin at tumayo. " Uuwi na ako. " Mas nagulat ako sa sinabi nya at sa malamig nyang boses na gamit. Napakunot tuloy ako ng noo. Bakit biglang nagbago ang pakikitungo nya. Kanina lang ang sweet nya, ngayon naman ay ang lamig ng boses nya. Aalis na sana sya ng hilain ko sya. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ko ay natumba sya at napaupo sa kandungan ko. Napatawa ako ng nanlaki ang singkit nyang mga mata at namumula ang mukha nya. " A-Ano ba X! Bitawan mo nga ako. " " Ayoko nga. " Nakanguso kong ani. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa bewang nya. " Kapag hindi mo ako pinakawalan Lennon, talagang bibigwasan kita. " Mas napanguso ako sa sinabi nya at napayuko. " Hindi mo naman ata talaga ako mahal eh. " " Paano mo naman nasabi 'yan? Aber? " " Kasi sabi mo bibigwasan mo ako. Kung mahal mo talaga ako hindi mo ako sasaktan. " Nakanguso ko paring ani habang nakayuko. Sinadya ko talaga na lagyan ng pagtatampo ang tono ng boses ko para alam nya talagang nagtatampo ako. Napatingin ako sa kanya ng ilang minuto ay hindi sya nagsalita. Nawala na parang bula ang pagtatampo ko ng makita ko ang malambot nyang ekspresyon. Hinawakan nya ako sa magkabilang mukha at pinagdikit ang mga labi namin. Lumaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Hanggang sa maghiwalay ang mga labi namin ay nakadilat parin ang mga mata ko dahil sa gulat. " Hindi dahil sa bibigwasan kita ay hindi na kita mahal. " Niyakap nya ako at isinubsob sa leeg ko ang mukha nya. Ramdam na ramdam ko tuloy ang maiinit nyang hininga na tumatama sa leeg ko. Hinagkan ko ang likod nya. " Eh bakit iiwan mo na naman ako kanina? " Napabuga naman sya ng hininga. " Hindi naman kita iiwan eh. Naiinis lang ako sayo. " Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at naguguluhang nakatingin sa kanya. " Bakit ka naman naiinis?" " Kasi sinabihan mo ako na masyado akong clingy. " Inirapan nya pa ako. Napanganga ako sa naging sagot nya. Dahil lang don? " Porket ba nilalambing kita ay clingy na ako? " Napangiti ako ng malapad. Hinawakan ko ang mukha nya para ipaharap sa akin. Nakita ko ang pagtatampo sa mga mata nya. Isama na natin ang nakanguso nyang labi na ang sarap halikan. Dahil hindi ko napigilan ang sarili ko ay hinalikan ko ang nakanguso nyang labi. Napatawa ako ng mas ngumuso sya. " Sorry. Hindi lang kasi ako sanay na naglalambing ka. " " Kung ayaw mo naman. Pwede naman akong hindi maglambing sayo eh. " Agad akong napailing. Ayoko non. Masyado syang masungit sa akin kapag nagkataon. " Mas gusto kong malambing ka. Hindi lang ako sanay pero masasanay din ako. " Napatingin ako sa relo ng makita kong malapit ng mag-alas nuwebe ng gabi. Masyado na palang gabi. " Tara. Ihahatid na kita. Masyado ng gabi. " Tumango naman sya at tumayo na. Kinuha ko na ang bag ko at ganon din sya. Magkahawak kamay kaming lumabas ng kubo. Ini-lock ko ito. " Teka! Saan tayo dadaan? Dahil kung sa gate ay magtataka ang guard kung bakit nandito pa tayo. " Napaisip naman ako sa sinabi nya. Oo nga no. Baka ma-report pa kami nito sa dean. Napatingin naman ako sa medyo may kataasan na pader. Inialis ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Allisa at tinungo ang likod ng kubo. Kinuha ko ang isang hagdanan na gawa sa kahoy at isinandal ito sa pader. No choice kami eh. Tiningnan ko si Allisa ng nagsasabi na doon kami dadaan. Mukhang na-gets naman nya. Nagkibit balikat sya at lumapit sa akin. " Ako ang unang aakyat para may sasalo sayo pagbaba mo sa kabila. " " Okay. " Umakyat na ako at tumalon ng makatungtong na ako sa ibabaw ng pader. Hinintay ko na makaakyat si Allisa. Sinalo ko ang bag na inihagis nya. Inidipa ko ang dalawa kong kamay na sasalo kay Allisa sa pagtalon nya. Sa pagtalon nya ay nasalo ko sya pero sabay naman kaming bumagsak sa semento. Nagkatinginan kaming dalawa at napatawa nalang. Tumayo sya at inalalayan akong tumayo. Sabay na kaming naglakad ng magkahawak kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD