She tried to compose herself. Ngunit kahit ano’ng pilit niyang pagpipigil ay pagak pa rin siyang napatawa. ‘This man is impossible!’ bulalas niya sa kanyang isipan. “Kaya ko naman ’yang gawin, Sir Derrick. Ngunit maari ba’ng ako na muna ang mag-alaga sa kapatid at pamangkin ko?” Huminga siya nang malalim sabay bawi sa siko niya nang kanyang nararamdaman na lumuwag na ang pagkakahawak nito. “Don’t you believe me, Z? Bakit ka pa sumama sa ’min kung gano’n?” Agad na tumaas ang kanyang kilay sa tanong nito. “Para kaming mga baliw na naghahanap sa kapatid ko at anak niya. Kahit ako ay napagkamalan pa’ng si Chelsy. You even told me things just to make me believe that I'm Chelsy. So tell me, Sir Derrick. Dapat ba kitang pagkatiwalaan? When all this time, hawak mo lang silang dalawa. You made m

