Kahit nakapikit pa ay gising na ang diwa ni Chelsy. Laking pasasalamat niya at magaan na ang kanyang pakiramdam. Sa tingin niya ay nakatulong ang kanyang pagpapahinga at hindi pag-iisip ng kung ano-ano. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya. Basta ang nararamdaman niya ay mas maaliwalas na ang kanyang pag-iisip. Nawala na ang mga bagay na hindi niya alam subalit nagpapabigat sa pakiramdam niya. “Be a good girl . . . Always be a good girl.” Wala sa sariling naalerto siya nang kanyang marinig ang boses ni Derrick. Kilala niya ang boses nito dahil isa ito sa mga paborito niyang tinig. Malalim ngunit payapa na may halong pagka romantiko. Ngunit bago pa siya dumilat ay pumasok na sa kanyang ilong ang samyo ng Ospital. Ilang sandali lang ay bigla na lang mala-bagyong rumaragasa sa kany

