Makalipas ang dalawang araw ay pormal ng nakapasok si Chelsy sa loob ng rehabilitation center. Simula rin sa araw na ’yun ay walang humpay ang pagdalaw niya sa kanyang kapatid na umabot pa ng dalawa o hanggang tatlo sa isang araw. Nagmistula anino siya nito, subalit wala siyang pakialam. Her only goal is to get her sister’s sanity back. Alam niyang ito ang tanging susi upang malaman nila kung nasaan ngayon si Sy. Maaring wala na ito ngayon sa dati nilang pinagkukublian, na siyang magpapatunay na mayroon talagang may hawak sa kanyang kapatid nang mawala ito noon. Chelsy is not capable of taking care of herself, lalo na kung may kasama itong bata. For now, she is dead worried about Sy. Maaring maayos lang ito o nanganganib. Ngunit kahit ano pa man ay wala siyang balak na patagalin pa ang mga

