Hastrup Finn's point of view: Patungo ako ngayon sa bahay nina Ash para sunduin siya. Sa katunayan dapat kahapon pa kami lalabas ngunit kinailangan ako sa kumpanya kaya naman minabuti muna naming ipagpaliban iyon. Ngayon ay Off namin pareho kaya naman naisipan naming bumisita sa mga kaibigan. Pagdating sa gate nila ay agad kong nakita si manong Ferd habang nag didilig ng mga tanim nilang talong at okra sa harap ng bahay. "Good morning, manong!" masayang bati ko. Mabilis itong napatingin sa akin at nakangiting binuksan ang gate. "Magandang umaga rin Hijo!" bati niya pabalik. "iyong nobya mo ay nakikipag bangayan pa sa kaniyang kapatid sa loob." umiiling na aniya at natawa naman ako. Lalo na ng marinig ko ang tawa ni Erika mula sa loob. "Mukhang matatagalan pa po bago kami makaalis

