Mc Ashley’s point of view: Maagang natapos ang duty ko ngayon dahil nakipagpalit sa akin ng oras si Cyra. Alasiete pa lamang ng gabi at naisipan kong maglakad-lakad muna sa plaza upang makapag pahinga. Mapuno kasi ang bahaging iyon ng aming lugar kaya naman talagang gustong-gusto ko ang lugar na iyon. Pagbaba ko ng tricycle mula sa Hospital ay napangiti agad ako ng salubungin ako ng malamig na hangin. Maliwanag dito at may mangilan-ngilan ring mga tao kaya naman panatag ako. Mabagal ang naging mga hakbang ko, masayang pinagmamasdan ang sayaw ng mga luntiang dahon ng mga puno. “Ash?” napaangat pa ang balikat ko sa gulat ng may biglang tumawag sa pangalan ko mula sa aking likuran. “Hastrup?” kunot-noong aniko. “Hey, how are you? What are you doing here?” sunod-dunod na tanong niya

