Chrixtopher Archem’s point of view: Pauwi na ako mula sa paaralan nang makatanggap ako ng tawag mula kay mommy. Bukas na ang graduation namin kaya naman kinailangan kong pumunta sa school para sa huling rehearsal at para kumuha ng Toga. Napangiti pa ako nang makita ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko bago iyon sagutin. 6:42 pm na kaya may ideya na ako kung bakit ito tumatawag. “Are you done?” tanong nito mula sa kabilang linya. “Yeah, I’m actually on my way home mom.” Sagot ko sakaniya. “Okay, take care son.” Aniya bago ibaba ang tawag. “I will mom.” Nakangiting sagot ko kahit pa hindi na iyon narinig ni mommy. Tahimik kong binagtas ang daan pauwi sa bahay. Paminsan-minsan ay napapatingin pa ako sa paligid upang pagmasdan ang mga streetlights na nagbibigay liwanag sa ma

