Hastrup Finn’s point of view: Naglalakad na ako palabas ng bahay upang pumunta sa garahe para sunduin ang asawa ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nangunot ang nuo ko ng mabasa ang pangalan ng team manager namin. Ilang Segundo ko pang tinitigan ang screen ng cellphone ko bago takang sinagot ang tawag na iyon. “Good evening sir.” mabagal na bati ko habang naglalakad pa rin papuntang garahe kung nasaan ang sasakyan ko. “Oh god thank you for picking up!” bulalas niya. “I’m sorry for calling you this late, but you’re the only one I know who can help me right now. I really, really need your help, Architect.” muling nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. “How can I help you sir?” tanong ko kahit pa taking-taka pa rin sa mga sinabi niya. Nakasakay na ako sa sasakyan ko ng sumago

