Mc Ashley's point of view: Mabilis na lumipas ang araw ng hindi namamalayan. Mahigit isang buwan na ring nanliligaw sa akin si Hastrup. Ngunit ngayon ay halos isang linggo na kaming hindi nagkikita dahil nagsimula na ang trabaho niya. Bagaman hindi ko siya nakikita ay hindi naman siya pumapalya sa pagtawag at pagtext sa akin sa araw-araw. Hindi niya rin ako nakakalimutang padalhan ng makakain at bulaklak ngunit hindi na kasing dalas ng dati dahil pinag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakauwi kagabi dahil sa biglaang pagkakaroon ng sunod-sunod na pasyente bunga ng isang aksidente sa karatig bayan. Ramdam ko ang pagod sa buo kong katawan kaya naman pag uwi ng bahay ay mabilis akong nakatulog pagkatapos maligo. Kinaumagahan nga ay hin

