Chapter 85.

2411 Words

Chrixtopher Archem’s point of view:   Hindi normal ang gabing ito kung ikukumpara sa mga nag daan. Ito na marahil ang pinaka mabigat at pinaka malungkot na gabing dadaan sa buhay naming lahat. Hindi magawang maitago ng isa’t-isa sa aming tahanan ang emosyong nararamdaman. Mababakas sa pilit nilang mga ngiti ang hirap na pinag dadaanan ng bawat isa. Kasalukuyan ako ngayong nasa kwarto naming mag-asawa habang hawak ang gitarang iniregalo sa akin ni daddy nuong araw ng kasal ko. Yakap-yakap ko ito habang tulalang nakatingin sa labas ng aming bintana kung saan direktang natatanaw ang sarili naming basketball court kung saan kami madalas maglaro ni dad kasama ng anak kong si Ian Khyle. Tila nanunumbalik sa aking mga ala-ala ang bawat kaganapan sa pagitan naming mag ama. Napapangiti ako ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD