“Nothing is predestined. The obstacles of your past can become the gateways that lead to new beginnings.” Yanna's pov Halos hindi ako naglalabas sa suit namin nong sumunod na mga araw. Tinatawagan lang ako ng sekretarya ko kapag may importante akong pipirmahan. After nang nangyari, kumuha naman agad si Hammer ng ticket nila ng mama niya pauwi ng bansa. Kukuha nalang daw ito ng personal nurse para may mag-alaga dito. "Expect us after 2 days Sweetheart." saad nito nong tumawag siya kaya pinalinis ko ang suit nila at inayos ko ang mga gamit niya. "Mam may naghahanap po saiyo..." abiso nito. "May appointment ba siya?" tanong ko. "Wala po mam pero sabi niya kilala niyo daw po." nagtaka naman ako. "Ano daw ang pangalan?" tanong ko pa "Jane Del Castillo at Gianne del Castillo daw po..."

