" Some secrets are meant to stay secret forever."
Yanna's POV
Chicken cacciatore at Beef braciole ang napili kong lutuin. Tinulungan naman ako ni manang sa pagpiprepare. Kita ko sa mga mata nila ang pagtutol pero hindi nila ako napigilan.
"Bro, marunong ba talagang magluto yan, eh pati yata paghawak ng kutsilyo hindi pa nasubukan eh?" Saad ng isa.
"Baka naman mamaya hindi makain?" Dinig ko pa ang mga boses nila mula sa kusina.
"Hindi naman siguro magpiprisintang magluto iyong tao kung hindi marunong." Depensa naman sa akin ni Gianne.
"Oh Jigz, Hammer you're here..." sabi ni Benedick. Lumabas ako saglit. Pero di na ako lumapit dahil amoy pagkain ako.
"Mga bro exciting to. Pinagluluto tayo ng mahal na Prinsesa." Dexter said.
"Tsk, hi, Jigz, Hi, Hammer. " Bati ko sa dalawa.
"You need help?" Tanong ni Hammer. Kumaway lang din ang isa.
"Nah, just sit there matatapos na din naman ako." Sagot ko dito.
"No, I insist." Nagkibit balikat nalang ako. Alam ko din naman kasing hindi ako mananalo kapag pinagpilitan ko ang gusto ko. Naalala ko na naman iyong pagpunta namin sa supermarket.
I only wear jeans pants and a white fitted shirt na labas ang pusod. Dahil sadyang bilugan ang aking matambok na pang-upo at naparesan pa ito nang malulusog na dibdib ay mas humulma ang katawan ko. Nakakatakam nga naman daw kasi. Sa Saudi normal na ang ganitong mga sizes pero pagdating dito sa pinas iba ang dating. Hindi ko na rin isinuot iyong mask ko. Nakakairita kasi eh.
Throwback,
Patakbo akong bumaba ng hagdan. Nag-aantay na sila nong naabutan ko. Pero nagslow mo silang napalingon sa akin lalong lalo na si Benedick.
Paghanga.
Yan ang makikita sa mga mata nila. Nakanganga pa nga si Dexter. Pero paglingon ko ulit kay Benedick ay naging parang mabagsik na tigre na naman ang kanyang mga mata.
"Where are you going?" Tanong nito
"Sa supermarket." Tipid kong sagot.
"Na ganyan ang suot?" Naniningkit na ang mga mata niya.
"So? What's the matter?
"Bumalik ka sa kwarto mo at magbihis. Hindi fashion show ang pupuntahan mo." Sabi niya.
"Why should I?" Tanong ko pa na mas ikinainis niya.
"Gusto mo bang pagpyestahan ka ng mga tao dun?" Tanong din nito.
"Who cares?" nanghahamong sagot ko.
"Naghahanap ka ba talaga ng gulo? Yanna, that's too... "
"that's... oh shit.! Just tell us everything you want. Kami na ang lalabas ni manang" hindi na niya itinuloy ang kung ano mang sinasabi niya.
"That's what???" sabi ko.
That's too revealing but it's normal bro. Iyong iba halos hubad na kung lumingkis saiyo hindi ka naman ganyan magreact. " Naaaliw na sabi ni Leo.
"f**k you bro! They are different. They work for money that's but this girl infront of us is not like them.!" napatulala ako sa sinabi niya. Ano daw???
"Insan kailangan na yata ng doctor ang puso mo. Mukhang tinamaan ka na ah. Kaso sa maling tao pa.!"Pailing-iling na sabi ni Yanna. Maling tao? sino?
"What's wrong with her dress? It's kinda..." si Dexter
"Appealing and sexy. Let's go my princess... Don't mind him.Ingggit lang iyan kasi hindi ka niya mahahawakan. Right bro?"tanong pa nito sa isa. Hinila na niya ako kaya wala na ding nagawa si Benedick. Tinapik naman siya ni Leo sa braso.
Pagdating sa pamilihan. Halos hindi ako makakilos ng ayos dahil daig ko pa ang artista kung bantayan nila. Gianne and Leo infront of me. Benedick and Dexter at my back. Halos lahat ng kalalakihan ay hindi maiwasang mapalingon. At halos lahat ng kababaihan ay inggit naman ang mababanaag sa kanilang mga mata.
"Iha, luto na iyong niluluto mo. Kakain na ba kayo?" para naman akong nagising sa pagkakatulog paglarinig ko sa boses ni manang.
"Are you okey?" tanong ni Hammer. Kasama ko nga pala ito.
"Ahm, yeah I only remembered something." sagot ko
"Your family?" tanong ulit.
"Mmmn," sabi ko nalang. Kinabig niya ang balikat ko palapit sa kanya. Hinalikan nito ang ulo ko.
"Don't worry. I am here... We are here for you..We are your family." sabi nito.
"Ay hehe, iwan muna kayo iha, Hammer. " sabi ni manang. Nahihiyang paalam ni manang.
"How sweet, ganyan na pala kayo close?" sabi ng boses sa likuran namin. Tumayo ako ng maayos nang maramdaman kong papalapit ito.
"Bro hindi mo sinabing parte pala ng pagtulong mo sa pagluluto ay magluto din ng feelings." dugtong pa nito.
"I am just comforting her bro." sagot ng isa.
"Comforting your face! Manang maghain na po kayo." utos niya sa katulong.
"Alam ba ni Gianne ito bro?" tanong ulit niya.
"Kahit naman malaman niya, ay hanggang kapatid lang ang kaya kong ibigay sa kanya." Nakatingin ito sa amin habang nagsasalita.
"Tatawagin ko lang sila." iniwan ko na ang dalawa.
Confident naman akong masarap iyonh niluto ko. Hindi naman kasi porke may kaya kami ay nakaupo nalang ako habang nakakulong sa mansyon. Ibang-iba man ang buhay ko ngayon kumpara sa buhay na kinagisnan ko ay hindi naman ako as in nahirapan sa pag-adjust.
Dumulog na kami lahat sa dining table. Pinasabay na din namin si manang. Nasa gitna ako ni Gianne at Manang, Si Jigz, Leo at Hammer naman sa aming harapan. Parehas namang nasa dulo-dulo si Dexter at Benedick. Doon daw talaga ang pwesto ng dalawa kapag may kainan. Feeling daw kasi ni Dexter ay siya ang hari. haha...
"Ayaw niyo ba ng niluto ko?" tanong ko sa kanila. Ayaw ata nila eh, nakatingin lang kasi sila sa mga pagkain.
" Yanna, hindi kaya kami magtae diyan?" bulong ni Gianne.
"Iww,.kadiri ka...of course not."mabilis na sagot ko. Kadiri to.
"Sigurado ka?" hindi kumbinsidong tanong ulit niya.
"It looks delocious naman, kaso para talagang nakakatakot kainin. Baka kasi itsura lang ang masarap." sabi din ni Benedick. Tumayo ako, kinuha ko ang pinaglagyan ng beef braciole.
"Oh saan mo dadalhin yan?" takang tanong ni Dexter.
"Itatapon!" simpleng sabi ko.
"Pinaghirapan mo yan, bakit mo itatapon?" tanong naman ni Gianne.
"Hindi masarap sabi niyo. So what's the used of this kung hindi ko itatapon?" masama ang loob kong sagot. Tumayo si manang.
"Akin na iha... Masarap ang niluto mo. Hindi pa kasi nila natitikman. Umupo ka na ulit." pang-aalo niya sa akin. Sumunod naman ako. Una nang nagsandok ng pagkain si manang. Sumunod si Hammer, Dexter, Gianne. Si Jigz, Leo at Benedick ay nakamasid lang.
"Mga bro ang sarap..." lumaki ang mga mata ni Dexter.
"My princess, heiress ka ba talaga? Para ka kasing nag-aral ng culinary eh. Penge akong chicken menudo ha." excited pang sabi nito saka nagsandok ng Chicken cacciatore. Sumimangot ako. Padabog akong tumayo. Napatingin naman si Hammer na magsusubo na sana.
"That's not chicken menudo.! That's chicken cacciatore.!" lumapit ako sa kanya saka kinuha anh plato niya.
"My princess naman hindi ko alam na chicken latore pala ito... Bakit mo kinuha iyang plato ko. Kakain pa ako..." sabi nito...
"CHICKEN CACCIATORE! not chicken latore stupid!" napakamot ito sa ulo...
"Sorry...akin na yang pagkain ko." saka siya nagpeace sign. Pabalibag kong ibinalik ang playo niya sa table.
Nagsandok na din ng pagkain nila ang tatlo. Mabagal na ngumuya si Benedick habang nakatingin sa akin.
"What?" masungit kong tanong.
"Not bad."sabi nito. Tahimik na kaming kumain. Si Dexter ang pinakamagana sa lahat kaya nahawa na din ang iba. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya silang magmovie marathon. Habang nanonood nagpasya akong magpaalam na sa kanila.
"Ahm guys, I am going to live on my own." napatingin silang lahat.