CHAPTER 110 Mamita's POV: "GOOD MORNING! Magandang umaga sa inyong lahat. Mag-almusal muna kayo bago kayo maglinis," pagbati ko sa mga kasambahay namin habang nagpapahangin ako sa labas. Good mood ako ngayon dahil gusto kong simulan ang umaga na may ngiti sa aking labi para sa gano'n ay maging tuloy-tuloy na ito mamaya. Tatlong araw na pala ang nakalipas simula nang ipa-DNA ko si Juliana at Zach. Ngayong araw din mismo malalaman kung positive o negative ba ang dalawa. Tinawagan na kasi ako ng Doctor kaya siya mismo ang pupunta rito para ibigay sa akin ang resulta. Konting oras na lang ang hinihintay ko at malalaman ko na ang katotohanan. Kapag naging positibo ang resulta talagang magpapa-party ako para sa magiging susi ni Zach upang mabawi ang mag-ina. Ganyan ko rin kamahal sila Ji

