CHAPTER 107 CALIX POV: "SAAN mo ba gustong ganapin ang kasal natin, Jillian?" tanong ko sa babae habang nakaupo ito sa tabi ng driver seat. Balak sana namin na kumain sa labas na kaming dalawa lang dahil gusto ko nang mapag-usapan ang tungkol sa aming kasal. Honestly, I am very happy since the day that she said yes. Hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang tuwang nararamdaman ko hanggang ngayon. Pakiramdam ko, isa ako sa pinaka-maswerteng lalaki dito sa Pilipinas dahil nakuha ko ang matamis na "OO" ng babaeng pinapangarap ko. "Calix, hindi ba pwedeng next year na lang ang kasal?" ani ng babae. Napa-preno ako sa pagdrive dahil hindi ko lubos maisip na gano'n pala katagal ang gusto ni Jillian bago mangyari ang kasal. "Why? I mean, hindi bat sobrang tagal naman yata ang isang taon?" tura

