Chapter 45 The Face of Death IGINALA ni Princess ang mga mata sa kabuuan ng warehouse na pinagdalhan sa kanila ni Haylin. Tinatantiya niya ang lugar at ang mga bagay na pwede niyang magamit para sa balak na pagtakas. Naghahanap din siya ng maaaring pwede nilang lusutan palabas. Narinig niya kasing anumang oras ay handa na silang ipapatay ni Odette. Kaya naman kailangan na nilang maka-alis sa lugar na ito bago pa mangyari iyon. “Kuya…” tawag niya sa lalaking malaki ang katawan na nagbabantay sa kanya ngayon. Nilingon naman siya nito na para bang naiirita sa pagtawag niya. “Ano?!” singhal nito saka siya nilapitan. “Ano na naman ba ang problema mo?” “Naiihi ako.” “Tsk. ‘Di mo ba mapipigilan ‘yan?” iritang tanong nito. “Kanina ko pa iniinda ‘to. Kaya kalagan mo na ako sandali, hindi

