Chapter 41 Way Back into Love MASAYA silang nagkukulitan habang naglalakad papunta sa isang bar sa isla. Napagkasunduan kasing nilang mag-videoke. Kanya-kanyang buhatan ng bangko ang mga lalaki tungkol sa kung gaano sila kagaling kumanta, lalo na sina Gian Carlo at Jairon. Nakangisi lang naman si Raijin dahil alam nitong wala namang hihigit sa kanya sa kantahan. Habang si Camille ay nae-excite sa gagawin nila. “Lin-Lin, duet tayo mamaya, ah?” sabi ni Gian Carlo na inakbayan pa si Haylin. Nakangisi ito ng malapad habang itinataas pa ang mga kilay. Itinulak ni Haylin palayo sa kanya ang mukha ng best friend. “Duet ka mag-isa mo,” pairap na tugon nito. “Labo naman nito! Duet nga eh, pa’no ka makakapag-duet ng mag-isa?” hinaing ni Gian Carlo. “Sige na kasi Lin!” “Ewan ko sayo! Tigilan

