Chapter 35 Connecting the Dots NAKAPIKIT pa’rin ang mga mata ni Princess. Humihinga ito ngunit hindi umiimik. Marami ring kung ano-anong machines at IV ang nakakabit dito. It had been five days since the accident happened, and still, Princess laid unconscious. She was still under observation according to the doctors. Naroon sila sa private room na inukopa nila para kay Pri. Naka-upo si Raijin sa gilid ng kama ng dalaga. Si Camille nama’y naroon sa may couch sa gilid ng kwarto at natutulog. Tulad niya’y napuyat din ito sa pagbabantay kay Princess. Malaki ang naging pinsala dito ng pagkasagasa. May bendang nakalagay sa napuruhan nitong ulo. May natamo rin itong bali ng mga buto. And she needed blood transfusion right away when she was rushed in the hospital. Mabuti na lamang at mag

