Chapter 25 Meet the Parents PRINCESS was wearing a simple off-shoulder black dress as her curled hair perfectly laid on her right shoulder. Pasimpleng hinila niya iyon pababa nang makababa siya sa kotse ni Raijin. Medyo may kaiklian kasi ang dress ngunit mas simple kumpara sa suot-suot niya noong birthday ni Andi. Simple lang rin ang iniayos sa kanya ng make-up artist at stylist na umasikaso sa kanya kanina sa boutique kung saan din siya dinala nito noon. Pero katulad pa’rin ng dati, pakiramdam niya ay may magic na ginawa ang mga stylists para maging maayos talaga ang itsura niya. Halos hindi na naman niya kasi makilala ang sarili. “Are you nervous?” tanong sa kanya ni Raijin. Napansin kasi nitong nilalaro niya ang mga daliri niya. “Sino ba naman kasing hindi ninerbyosin sa pinapaga

