Chapter 17 Payback Time “ANG sakit ng likod ko,” Princess whined habang nagpabiling- biling siya sa sarili niyang kama. Ngayon lang kasi niya nararamdaman ang sakit ng katawan niya mula sa mga pambabato ng itlog at ng kung ano-ano sa kanya, hanggang sa pagkaka-kulong nila sa madilim na maintenance room na iyon. Tuluyan na siyang umupo sa kama niya habang yakap- yakap niya ang malaki niyang teddy bear. Mula doon ay inabot niya ang alarm clock na nakapatong sa bed side table niya at tiningnan ang oras. “Alas tres na pala ng hapon,” saad niya saka niya tinapik-tapik ang nag- iingay niyang tiyan. “Kaya pala gutom na ako.” Mula kasi nang dumating sila ni Camille kaninang umaga sa bahay ay kumain lang siya ng kaunti at dumiretso na siya sa kwarto niya para magpahinga. Damang- dama na kasi

