Chapter 12 End of the Deal? THIS girl, she’s my property. And I don’t want any of you to mess up with her ever again. Paulit-ulit na naririnig ni Pri ang mga katagang iyon ni Raijin. And the more she was reminded of what had just happened, the more her heart raced. Tila naglalakbay sa kawalan rin ang isipan niya. Kahit kasi paulit-ulit na naglalagos sa pandinig niya ang sinabi nito, hindi pa’rin niya maintindihan ang ibig sabihin niyon. His words and his actions just a while ago made her feel confused. Bakit parang… niligtas siya nito? Napatingin siya sa magkahugpong pa’rin nilang kamay habang hinahatak siya nito sa lugar na hindi na niya napansin kung saan. Nararamdaman niya ang mga matang nakatutok sa kanilang dalawa sa bawat madaanan nila pero parang hindi na niya yun napapansin

