Chapter 14 Locked Up “COOL lang dude. Chill ka lang,” nakangiti pang saad ni Gian Carlo nang halos tumalsik na palabas ng billiard board ang bolang tinira ni Raijin. Narinig niyang nagtawanan ang mga kaibigan pero nanatili lang siyang seryoso doon. Nainis siya ng wala na namang pumasok ni isa man lang sa mga tira niya. Kanina pa siya nangangamote sa laro nilang ito ng mga kaibigan niya. Pabalang na binato niya ang taco na gamit niya. Then he forcefully threw himself on his own couch. Matalim na tiningnan niya ang tatlong kasama. Gian Carlo, Jairon, and Moon had the same kind of grin etched on their lips. Wala na talagang ibang alam gawin ang mga kaibigan niya kundi ang ngisian at pagtawanan siya sa tuwing naiinis siya. Minsan tuloy ay pinagdududahan niya kung kaibigan ba niya talaga

