Chapter XXIV

1013 Words

May mali ba sa akin ngayong araw? Iyan ang tanong ni Lorie pagkapasok niya sa opisina. Hindi niya alam kung bakit halos lahat ng tao sa paligid niya ay tumitingin sa kanya at kasunod nito ay pagbubulungan siya. Hindi tuloy niya maiwasang mabalisa dahil sa mga tao sa paligid niya. Naghihintay siya na magbukas ang elevator at pinagmasdan niya ag repleksyon mula dito. Wala namang dumi ang mukha ko. Bakit kasi ganoon sila makatingin sa akin? “Naks! Nandito ka na pala!” Napalingon siya sa nagsalita at nakita si Gabriel na malaki ang ngiti. “Ikaw pala Gabriel,” sabi niya. “Ikaw ah. May hindi ka pala sinasabi ah. Kaya pala pinagtatanggol mo si Sir Kiefer ay dahil may kakaiba sa inyo ah,” sabi nito. Napakunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Ha? Anong ibig m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD