“Siguraduhin n’yong walang lalabas na kahit isang unit na hindi pasado sa standard ko. Isang gasgas lang, ibinabalik n’yo lahat.” Tumango agad ang mga head inspector habang sabay-sabay na sumagot, “Yes, Sir.” Nakatayo ako sa gitna ng malawak na warehouse, nakasuot ng itim na long coat, ang mga kamay ay nakapamulsa habang sinusuri ang bawat kahon ng baril na dumaraan sa quality control line. Mahigit isang daang tauhan ang abala, tahimik, disiplinado, at halos walang humihinga nang malakas sa presensya ko. Sanay na sila. Ganito palagi. Walang puwang ang pagkakamali sa mundo ko. Legal ang shipment na ito. Isa ito sa pinakamalaking export ng high-end firearms sa Asia. Ako ang may-ari ng pinaka-high-end na firearm company sa buong kontinente—at sa buong mundo, kilala ang pangalan ko sa pagig

