“Bumalik ka sa loob, ngayon din.” “Hindi ako babalik sa loob.” “Daisy—” “Andrew, tama na.” Tumingin ako diretso sa mata niya, walang takot, walang pag-uurong. “Hindi mo ako hawak. Hindi ako pag-aari.” “Hawak kita dahil buhay mo ang nakataya!” “Hindi mo ako mabubuhay sa takot!” Tumahimik ang paligid. Ramdam ko ang tensyon, parang may nababasag na salamin sa hangin. Nakapila ang mga tauhan niya sa likod, halatang aligaga. May bahid ng dugo sa marble floor sa may entrada ng mansion—dugong hindi ko alam kung kanino, pero alam kong sariwa pa. “Pumasok ka.” Muli niyang inulit, mas mababa ang boses, mas mapanganib. “Ngayon.” “Hindi.” Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Bigla siyang tumalikod. “Lahat kayo, lumuhod.” Nagkagulo. May nagulat. May napa-angat ng ulo. May muntik nang magsalita per

