Sa pagsapit ng hapon, ay isang bagong Padre de Pamilya na ang dinatnan ni Liam at Tintin sa bahay, matapos nga nilang makauwi mula sa paaralang pinapasukan nila. Na bagamat hindi pa din naman tanggap ng Binatilyong si Liam ang mga nasasaksihan niya ay wala na din naman siyang nagawa kundi ang tanggapin ito sa loob sa kabila ng labag na labag ito sa kanya. "Narito na po kami Nay." Tila wala pa loob na sambit ni Liam sa Ina, matapos namang kunin nito ang kamay at itapat sa kanyang noo. At sadyang hindi tingnan sng Kuya Anton niya. "Masaya akong nakauwi na kayo mga Anak." Masiglang bati namang tugon ni Tesa matapos pa ngang yumapos sa kanya ng kanyang babaeng Anak na si Tintin habang naka uniporme pa ito ng eskewalahan. Hindi naman kumibo pa si Liam at pabagsak pa ngang ibinaba ang may kal

